LTO

Pagsunod ng LTO sa kanyang payo ukol sa AO ikinatuwa ni Tulfo

59 Views

IKINATUWA ni Sen. Raffy Tulfo ang pagsuspinde ng Land Transportation Office (LTO) sa vehicle registration transfer o Administrative Order AO-VDM-2024-046.

Sa hearing ng Senate Committee on Public Services kahapon, Oct. 23, kinuwestiyon ni Sen. Idol Raffy Tulfo ang bagong guidelines ng Land Transportation Office (LTO) sa vehicle registration transfer o Administrative Order AO-VDM-2024-046.

Kabilang na dito ang kakulangan sa proper information dissemination at napakalaking multang ipapataw sa mga buyers at sellers ng second-hand vehicles na hindi nai-report ang bentahan at hindi nailipat sa bagong may-ari ang rehistro ng sasakyan sa itinakdang deadline, kahit pa nangyari ang bentahan bago pa nailabas ang nasabing AO.

Dito inobliga ni Idol ang LTO na ayusin at baguhin ang kanilang guidelines para na rin mabigyan ang buyers at sellers ng sapat na oras para makapagcomply sa transfer of ownership, na sinangayunan naman ni LTO executive director Greg Guillermo Pua Jr.

Kaya ilang oras lamang matapos ang nasabing pagdinig, sinunod agad ng LTO ang mungkahi ni Sen. Idol at sinuspinde na ang implementasyon ng kanilang administrative order. Nakatakda rin silang magbalangkas muli ng panibagong AO.

“This is a step in the right direction but I will continue monitoring the amendments to ensure that they will craft an AO with well-defined system,” saad niya.