Calendar
Ang suspek na natimbog ng mga operatiba ng Manila Police District makaraang makitaan ng baril sa Sampaloc, Manila. Kuha ni JonJon Reyes
Metro
Lalaki arestado sa pagdala ng .38 caliber, 2 bala
Jon-jon Reyes
Oct 26, 2024
555
Views
TIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang lalaki na may dalang baril sa Paquita St., Brgy. 463, Sampaloc, Manila noong Sabado.
Base sa report, bandang alas-2:30 ng madaling ng araw nakita si alyas Roger nina PCpl. Francis Noel Cabrera at PCpl. Ronnel Aculana na may dalang baril.
Nilapitan at sinita ng mga pulis ang lalaki at nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.
Nakuha mula sa lalaki ang isang kalibre 38 na baril at 2 bala.
Nahaharap sa kasong Paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act) ang suspek.
NAWAWALANG ACCOUNTANT NAKITANG BANGKAY NA LUMULUTANG
Jul 12, 2026
Suspek sa panghahalay nahuli
Jul 11, 2026
Suspek sa paulit-ulit na panghahalay, nasakote
Jul 11, 2026
‘Boy Yabang’ nagpasikat ng baril sa kalye, pinosasan
Jul 11, 2026
