Calendar
Jake Cuenca ilang beses inalok tumakbo bilang board member o konsehal
SUPER tutok ang aktor na si Jake Cuenca sa kanyang acting career kaya wala sa plano niya na sumabak sa politika ’di tulad ng maraming celebrities at ng yumaong lolo niya na si former MTRCB Chief Manoling Morato.
Pag-amin ng aktor sa pocket interview kahapon, ilang beses na siyang inalok noon na tumakbo bilang board member o konsehal. Kaso, hindi talaga niya mundo ito.
Mula nga kasi sa kabi-kabilang papuri at pagkilala sa kanyang pagganap sa TV man o pelikula (“The Iron Heart,” “Cattleya Killer,” “What’s Wrong With Secretary Kim,“ “In the Name of Love,” “My Neighbor’s Wife” at “Status: It’s Complicated”) tuloy-tuloy lang ang pag-angat ni Jake bilang isa sa pinakamahuhusay na aktor sa bansa sa dalawang bagong proyekto sa Prime Video at Netflix.
Ayon kay Jake, na kare-renew lang ng kontrata bilang Kapamilya, “I can’t turn my back. Hindi ko pwedeng talikuran ’yung pangarap ko or ’yung dream ko of being this actor, this director or this … so I think, politics kasi, if you do that, naturally this will have to take a backseat and this will always be my priority.”
Murder mystery ang Prime Video series niyang “What Lies Beneath,” kung saan si Jake ang magbibigay ng importanteng layer ng suspense at intriga sa istorya.
Ang “What Lies Beneath” ay mapapanood din sa Kapamilya Channel sa ilalim ng direksyon ni Dado Lumibao.
Sa Netflix original film namang “The Delivery Guy,” gagampanan ni Jake ang papel ng isang malupit na mafia boss sa direksyon ni Lester Pimentel.
So, talagang sarado ang pintuan niya sa pagtakbo sa anumang posisyon?
Sagot ni Jake, “I think for now. For now, I’d say, yeah. But I do wish, ‘di ba, I do wish for the country or do wish para sa bansa na to put the right officials there. Kasi ako, nararamdaman ko na kailangan ng bansa natin ’yung mga tamang tao na nakaupo talaga. So for me, parang ako, I can only speak for myself. Obviously, like, even if I had the heart for it na I want to help, ‘di ba, I also have to ask myself, ‘do i have the mind for it,’ ‘di ba? Can I really, really be of service to the Filipino people or my community or land, ’di ba? Ako naman, eh, the people can vote for whoever they wanna vote for.
“Ako talaga, it’s not my thing. It’s more my lolo’s thing. It’s his world and he’s made an indelible mark in politics. I don’t wish to shut that or pass that. Saka for me talaga, honestly, like, I’m just proud to be, you know, part of show business, be part of this industry and kung kaya kong itayo ‘yung bandera ng pagiging aktor, pagiging artist, I’m more along those lines,” dagdag pa niya.
Ganito man ang desisyon ngayon ni Jake, wish at dasal pa rin niya na maupo ang mga tamang tao na makapag-aangat sa Pilipino sa mga problema.
“Ako, honestly, for me, parang I know a lot of different people who are more suited in that position than myself,” giit niya.
PAUL NAIYAK SA ‘LUTONG BAHAY’ NI MIKEE
MAGPAPAKA-HOST at chef ang Sparkle actress na si Mikee Quintos sa bagong cooking/talk show na “Lutong Bahay” ng Kapuso network simula October 28.
Aminado ang GF ni Paul Salas na dumaan siya sa lungkot-lungkutan stage ng pagkakatengga bago inalok na mag-host ng nasabing programa. Ito raw ’yung time na natapos na ang seryeng “The Write One” at wala siyang naging assignment.
Malaking tulong umano si Paul nu’ng mga panahong ‘yon dahil lagi nitong ipinaaalala sa kanya na normal ang nararamdaman niya sa mga tulad nilang artista.
Si Paul din ang umiyak nang ibalita ni Mikee ang pagho-host niya ng “Lutong Bahay.”
Pangbubuking niya, “Umiyak siya as in! He knew how I felt. Siya ‘yung nagku-comfort sa akin nu’ng medyo nag-o-overthink ako du’n sa tengga moments ko and alam niya ‘yung pakiramdam and meaning sa akin ng ‘Lutong Bahay’ nu’ng pumasok ‘yung ‘Lutong Bahay’ sa life ko.”
Patuloy ng aktres, “Parang ‘di mo kailangan mag-overthink. ganyan, ganyan. Pero siyempre, dahil natural ’yung feelings na ‘yon, ‘di ba, kung anu-ano iisipin mo. I chose to parang… sabi ko, imbes na malunod ako sa sadness o mapunta ako sa magreklamo or whatever, sabi ko, why not maghanap ako ng bagong skills? During that break, nag-request ako sa Sparkle, sabi ko, pwede ba akong mag-workshops? Hindi pa ako nag-aano, hindi pa ako nagku-comms workshop ever. ‘Yung public speaking workshop? So I tried it out and super nag-enjoy ako na tinuruan ng hosting and everything.
“Ang dami kong natutunan. Nagbago ‘yung… ang daming nabago sa views ko pagdating sa showbiz din. Tapos, hindi ko lang inakala na gan’to kabilis. ‘Yung inaral ko sa workshop, magagamit ko agad, like four months, five months in that workshop, kinontak ako for ‘Lutong Bahay.’ So, parang grabe talaga si Lord, as in grabe si Lord na parang du’n ko na-realize if pinili mong mag-trust sa Kanya and to stay positive, He’s really gonna bless you more and to trust the people around you na they’re gonna see, eh,” mahaba pang kwento ni Mikee.
Ngayon nga, hindi lang pagho-host ang gagawin niya dahil nag-undergo rin siya ng training bilang chef para sa “Lutong Bahay.”
Tatlong food content creators ang makakatulong niya sa pagbisita sa kusina ng mga celebrity — sina Chef Hazel Anonuevo, a.k.a. Hazel Cheffy, Chef Ylyt Manaig at Jaime de Guzman, a.k.a. Kuya Dudut, dating cook ng Team Payaman ng mag-asawang CongTV at Viy Cortez.
“Makikita ng mga kapitbahay ang new side sa mga personality ng iniidolo nila. Bukod sa malalaman natin kung ano-ano ang mga recipe ng paborito o kinalakihan nilang mga lutong bahay, may mga bagong chika din tayong masasagap sa kwentuhan,” ani Mikee.
Nakatakdang mag-guest sa “Lutong Bahay” sina Ruru Madrid, Rocco Nacino, Ai-Ai de las Alas, Pokwang, Chariz Solomon, Ninong Ry, ang paranormal investigator na si Ed Caluag, atbp.
Mapapanood ang “Lutong Bahay” mula Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m., sa GTV at international channel na GMA Life TV.