Alas asin, MAAP magtutulungan para sa barangay
Apr 20, 2026
Cavite City heat index umabot sa danger level
Apr 20, 2026
Outing nauwi sa trahedya; batang lalaki, 7, nalunod
Apr 20, 2026
Calendar
Nabawi ng mga operatiba na sina PCpl Jayson Cawayan at Pat Christian Garais ang ninakaw na cellphone at ang ginamit ng suspek na Honda Click.
Metro
Binata tiklo sa pagnenok sa cellphone ng nurse na ka-date
Peoples Taliba Editor
Oct 27, 2024
514
Views
TIMBOG sa mga operatiba ng Manila Police District-Ermita Police Station 5 ang binata na umano’y nagnakaw noong Linggo ng cellphone ng nurse na nakipag-eyeball sa kanya pero nasundan dahil sa global positioning system (GPS).
Ayon sa report, naganap sa J. Bocobo St., Ermita, Manila ang pagnenok ni alyas Lance sa cellphone ng biktimang si alyas Melissa, 25.
Ayon kay alyas Melissa, nakilala niya ang suspek sa dating app at pumayag na makipag date sa BGC sa Taguig City.
Matapos mag-alok na iuwi siya ng suspek, hiniram nito ang kanyang iPhone 11 na nagkakahalaga ng P32,000 at bigla na lang tumakas.
Dahil nakabukas ang GPS ng cellphone, natuntun sa isang restaurant sa Ermita ang suspek.
Doon na nagsumbong ang biktima sa mga pulis kaya nahuli.
Outing nauwi sa trahedya; batang lalaki, 7, nalunod
Apr 20, 2026
Todas na 1 pasahero ng sumalpok na jeep sa poste
Apr 20, 2026
Nagpapaputok ng boga, nagbanta tiklo
Apr 20, 2026
48 suspek sa online scam hub dinampot ng NBI
Apr 20, 2026
2 lalaki nakitang dedo sa condo
Apr 20, 2026

