Tulak

Drug suspek nalambat sa P30M shabu, cocaine sa Taguig

Edd Reyes Oct 27, 2024
68 Views

MAHIGIT P30 milyong halaga ng shabu at halos 7 gramo ng cocaine ang nakumpiska ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) sa isang pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust noong Sabado sa Taguig City.

Isinagawa ang buy-bust ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng SPD dakong alas-9:45 ng gabi sa Brgy. Western Bicutan na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas Jhovel.

Ayon kay SPD Director P/BGen. Bernard Yang, nakuha sa suspek ang nasa 4.5 kilos ng shabu na may street value na P30,600,000.

Nakuhanan din ng 6.9 na gramo ng cocaine ang suspek. “This operation highlights our commitment to maintaining safe, drug-free communities.

The dedication and teamwork of our law enforcement units are crucial in dismantling illegal drug networks. We will continue these efforts to protect our neighborhoods from the threat of dangerous drugs,” pahayag ni B/Gen. Yang.