Lorry1

BOC, Army nahuli 5 lorry na may kargang 238K litro ng unmarked fuel

36 Views

NAHULI ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), katuwang ang 701st Infantry Division ang limang lorry na may kargang 238,000 litro ng unmarked diesel sa Tarragona, Davao Oriental noong Oktubre 22.

Nakatanggap umano ng intelligence information ang 10th Infantry Division kaugnay ng mga smuggled na produktong petrolyo sa Tarragona, Davao Oriental.

Ang produktong petrolyo ay galing umano sa Aquaman 3 na umalis matapos magsalin ng diesel sa mga lorry.

Naglagay ng checkpoint ang Enforcement and Security Service (ESS) ng BOC at naharang ang limang lorry na may kargang unmarked smuggled fuel.

Magsasagawa umano sana ng initial test sa kargang diesel subalit dumating ang mga armadong lalaki na nagpakilalang mga intelligence agent ng PNP at dinala sila sa Banaybanay.

Lumabas sa initial at confirmatory test sa mga sample na kinuha sa limang lorry na wala itong Relative Marker Level na indikasyon na ito ay smuggled.

Tiniyak ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio na magpapatuloy ang maigting na kampanya ng BOC laban sa smuggling.

“The BOC remains resolute in its commitment in working alongside partner law enforcement agencies to curtail the illegal trade of petroleum products and strengthen maritime security measures. The BOC’s enforcement and coordination efforts highlight its unwavering dedication in ensuring safety and security of our maritime domain as well as protecting the interests of reputable businesses in the country,” sabi ni Rubio.