Just In

Calendar

November 2024
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
BI Photo Bureau of Immigration

BI pinaigting paghahanda sa pagdami ng int’l pasahero ngayong Undas

Jun I Legaspi Oct 31, 2024
13 Views

PINAIGTING ng Bureau of Immigration (BI) ang paghahanda para sa inaasahang pagdami ng mga international traveller ngayong ‘Undas’.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, inaasahan nilang aabot sa 43,000 hanggang 48,000 na mga pasahero ang paalis sa bansa mula Oktubre 31 habang nasa 41,000 hanggang 47,000 ang arrival.

Mataas ito kumpara sa 37,000 na departures at 36,000 arrival sa ka parehong panahon noong isang taon.

Sinabi ni Viado na naghahanda sila para sa peak season sa pamamagitan ng pagpapakalat ng 58 bagong immigration officers.

“We have ramped up our operations at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) with additional personnel to maintain a smooth flow of passengers,” saad ni Viado.

“Our team is closely monitoring the situation to ensure the public receives efficient, reliable service,” dagdag ng opisyal.

Bilang karagdagan sa mga bagong opisyal, ang BI ay nagpapakalat ng mga tauhan mula sa pangunahing tanggapan nito upang suportahan ang mga operasyon sa paliparan.

Hindi rin muna papayagan ang leave ng mga frontline officer.

“We are also activating our rapid response units to address any sudden increases in passenger traffic, particularly during peak hours,” diin pa ng BI chief.