Calendar
Kamara nangakong lalo pang magsusumikap
MATAPOS makakuha si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng mataas na trust at performance rating, nangako ang dalawang kongresista na lalo pang magpupursige ang Kamara de Representantes upang mapagbuti ang trabaho at pagseserbisyo nito sa publiko.
Kapwa nangako sina House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation Chairman Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur First District at House Special Committee on Strategic Intelligence Chairperson Maria Carmen “Maricar” S. Zamora ng unang distrito ng Davao de Oro na ibibigay ang lahat sa nalalabing mga buwan ng 19th Congress.
“This (positive survey results) gives us the impetus to work even more. It gives us the motivation precisely because we see that people appreciate the efforts of the House leadership to uncover the real truth behind the lies on every issue that have been peddled to us before,” ani Adiong, na isa ring House Assistant Majority Leader, kasabay ng pagpapatuloy ng Kamara sa pagsisiyasat sa iregularidad ng nakaraang administrasyon, kasama na ang mga pagpatay, iligal na Philippine offshores and gaming operators (POGOs), iligal na droga at iba pa.
Naniniwala naman si Zamora na dapat papurihan si Speaker Romualdez sa kanyang walang kapagurang pagtatrabaho mula pa ng maupo bilang lider ng Kamara noong 2022 upang madala ang Kamara sa estado nito ngayon, isang institusyon na nilagpasan ang kanyang mandato at inuuna ang interes ng taumbayan.
“The Speaker’s high ratings incentivizes us even more. We are now on a high morale because these figures further boost our morale. At least we know that we’re reaping the fruits of everybody’s labor – from the quad committee to the committee on good government and so on,” ani Zamora
“Under the Speaker’s leadership, we have shown that congressmen are hardworking and are ready to take the challenge, like spending long hours in hearings if only to ferret out the truth. We strictly observe and apply Congress’ oversight functions,” ani Adiong, na isa rin sa mga lider ng Young Guns.
“Rest assured, this House will not rest with its laurels,” pangako ni Adiong. “We’ll do whatever it takes to produce meaningful legislation that will ease the heavy burden to a vast majority of our population, and make sure that all of these trickle down or are really felt by the masses.”
Batay sa resulta ng Tugon ng Masa survey ng OCTA Research noong Setyembre, nakakuha si Speaker Romualdez ng overall trust rating na 61 porsyento.
Nakakuha si Speaker Romualdez, na kumakatawan sa unang distrito ng Leyte ng 58 porsyentong trust rating sa National Capital Region, 68 porsyento sa balanse ng Luzon, 62 porsyento sa Visayas at 48 porsyento sa Mindanao.
Nakakuha naman ang lider ng Kamara ng trust rating na 64 porsyento mula sa class ABC, 61 porsyento sa class D at 59 porsyento sa class E.
Ang kabuuang performance rating naman ni Speaker Romualdez ay naitala sa 62 porsyento, kung saan 61 porsyento ang nakuha nito sa NCR, 68 porsyento sa iba pang bahagi ng Luzon, 66 porsyento sa Visayas at 45 porsyento sa Mindanao.