Rizal

Handog ng Rotary Club Metro Valenzuela sa RIzal PPO: Bagong patrol bikes

Alfred Dalizon Nov 5, 2024
29 Views

Rizal1TUMANGGAP kahapon ng 10 bagong bisikleta mula sa Rotary Club Metro Valenzuela ang Rizal Police Provincial Office sa isang simpleng turnover ceremony sa Camp Major General Licerio I Geronimo sa Taytay, Rizal.

Ang programang ito ay naglalayon upang mapataas ang police visibility sa mga lansangan at isulong ang mabisang police-community relations, mabilis na response sa kriminalidad, at mabawasan ang air pollution para sa mas ligtas at luntiang probinsya ng Rizal.

Maliban sa mga patrok bikes, ipinamigay din sa naturang donasyon ang 10 set ng bike helmets, protective gears, at pocket.

Lubos naman na nagpasalamat si Rizal Police director, Colonel Felipe B. Maraggun sa Rotary Club Metro Valenzuela na pinamumunuan ni Mr. Patrick Dexter B Jeanjacquet. sa kanilang programa na tulungan ang Pambansang Pulisya.