Calendar
Rep. Frasco, todo-max sa pamamahagi ng scholarship para sa mga mahihirap na estudyante
TINODO na ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Rep. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang pagkakaloob nito ng milyon-pisong scholarship grant para sa libo-libong mahihirap na estudyante na residente sa Munisipalidad ng Carmen, Cebu.
Sabi ng House Deputy Speaker na puspusan (todo-max) ang pamamahagi nito ng scholarship grant upang matulungan niya ang nasa 1,350 mahihirap na mag-aaral sa Munisipalidad ng Carmen, Cebu kung saan umabot naman sa P5.4 million ang kabuuang halaga ng scholarahip ang naipamahagi ng mambabatas.
Ayon kay Frasco, ang tuloy-tuloy na pamamahagi nito ng scholarship para sa mga indigent students ng Carmen at iba pang lugar sa kaniyang distrito ay pagpapatunay lamang sa kaniyang commitment na natulungang makapag-aral ang mga mahihirap na estudyante sa kanilang lalawigan.
Pagdidiin pa ni Frasco na prayoridad nito na matulungan ang mga kabataang estudyante sa kaniyang distrito na makapagtapos ng kanilang pag-aaral.
Kasabay nito, namahagi din ang kongresista ng limang brand new Acer Laptops sa pamamagitan ng raffle kung saan ang bawat isa ay nagkakahalaga ng P26,000 na personal na donasyon ni Frasco para matulungan ang mga estudyante na magkaroon ng kanilang sariling Laptop.
Samantala, nagpaabot naman ng taos pusong pasasalamat ang mga nasunugang residente ng Barangay Dunggoan, Danao City kay Frasco dahil sa ipinagkaloob nitong tulong para sa kanila.