LRT

Pagbukas ng LRT-1 Cavite Extension maagang pamasko ng DOTr

Chona Yu Nov 7, 2024
25 Views

MAY maagang pamasko ang Department of Transportation (DOTr) sa mga pasahero ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

Ito ay dahil sa bubuksan na sa loob ng buwang ito ang LRT-1 Cavite Extension Phase 1.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na limang dagdag na istasyon ang magbubukas sa mga susunod na araw.

Kabilang na ang Redemptorist-Aseana Station, MIA Road Station, PITX Station, Ninoy Aquino Avenue Station at Dr. Santos Station na dating Sucat.

Ayon kay Bautista, nasa P45 ang magiging pamasahe sa buong LRT01 mula saa FPJ Station sa Queon City patungo sa Dr. Santos Station sa Paranaque.

Mula aniya sa isang oras, magiging 30 minuto na lamang ang biyahe, magiging mula Quezon City patungo sa Paranaque.

Nasa 80,000 na pasahero kada araw ang inaasahang madadagdag sa LRT-1.

Sa kasalukuyan, nasa 320,000 ang ridership kada araw ng LRT-1.