super cops

Nueva Ecija magdedeploy ng super cops sa eleksyon

Steve A. Gosuico Nov 7, 2024
13 Views

CABANATUAN CITY–Nagpasya ang hepe ng pulisya ng lugar na mag-deploy ng mga Tactical Motorcycle Riding Units (TMRU) o ‘super cops’ sa mga piling lugar bilang bahagi pag-aayos ng seguridad at pag-kontra sa kriminalidad para sa 2025 midterm polls.

Ayon kay Nueva police chief Col. Ferdinand D. Germino, naglalayong pataasin ang police visibility, maiwasan ang mga posibleng senaryo ng krimen at mapabilis ang oras ng pagtugon sa mga hindi inaasahang insidente para sa mas pinaigting na seguridad sa buong lalawigan ang deployment ng ‘super cops’ unit ng pulisya.

Inilarawan niya ang mga “super cops” na ito na naka-full battle gear, may mahaba at maikling armas at naka-bullet-proof vests.

“Itong mga TMRU idedeploy natin 24-7 round-the- clock, kahit saang eskenita pwede silang pumasok kahit sa trapik kaya malaking tulong ito sa police visibility at sa anti-criminality,” sabi ni Germino.

Idinagdag niya na ang mga pinaigting na anti-criminality operations at mga hakbang na panseguridad na ginagawa naglalayong makamit ang “zero casualty” at “zero election-related violent incidents” sa lalawigan bago ang midterm polls sa 2025.

Hindi bababa sa 18 TMRU ang naka-deploy sa lalawigan bukod pa sa mga nakatalaga sa 27 municipal at limang city police stations sa buong probinsya.

Sinabi ni Germino na nagnanais din siyang magtalaga ng karagdagang 100 police personnel para dagdagan ang pwersa ng kapulisan sa lalawigan.