Import

Importation ng manok galing Japan, Austria ibinawal ng DA

Cory Martinez Nov 16, 2024
13 Views

IPINAG-UTOS ng Department of Agriculture (DA) ang pagbabawal sa pag-aangkat ng mga domestic at wild bird, kabilang na ang kanilang mga produkto, na mula sa Austria at Japan dahil sa naiulat na outbreak ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) sa mga naturang bansa.

Sa magkahiwalay na memorandum order na inilabas ni DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., sinabi nito layunin ng temporary ban na protektahan ang lokal na poultry industry mula sa banta ng kanilang kalusugan.

Sa ulat ng Japan Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries sa World Organization for Animal Health (WOAH), nagkaroon ng outbreak ng H5 subtype ng bird flu sa Atsuma, Hokkaido,noong Oktubre 16, 2024 at naapektuhan ang kanilang domestic bird.

Sa ulat naman ng Austria Vice-President Regional Commission sa WOAH, nagkaroon ng outbreak ng H5N1 bird flu subtype sa Mattighofen, Braunau am Inn, Oberosterreich noong Oktubre 7, 2024.

“The poultry industry is a major investment and job generator and a vital component in ensuring the country’s food security. It is incumbent upon us to ensure that the local poultry population is not unduly placed at risk from highly infectious diseases, “ ani Tiu Laurel.

Sa mga naturang memorandum, inatasan din ni Tiu Laurel and Bureau of Bureau of Animal Industry (BAI) na itigil muna ang pag-isyu ng sanitary at phytosanitary import clearances para sa domestic at wild birds, poultry meat, day-old chicks, itlog at semen para sa artificial insemination ng inahin.