Meralco

Meralco One Meralco Foundation namahagi ng relief packs sa ‘Kristine’ victims sa Batangas

11 Views

PINAKIKILOS ng Meralco at One Meralco Foundation ang mga relief efforts para sa mga nasalanta ng bagyo sa Batangas.

Ang mga boluntaryo mula sa Meralco External and Government Affairs at ang social development arm ng kumpanya, ang OneMeralco Foundation (OMF), namahagi kamakailan ng mga relief packs para sa mahigit 1,100 pamilya sa Batangas na nasalanta ng bagyong Kristine.

Ang relief operations nakarating sa mga pamilya sa Nasugbu, Bauan, Talisay at Laurel sa Batangas na nagbibigay sa kanila ng mahahalagang suplay tulad ng bigas, de-latang paninda, biskwit, at instant coffee sachet.

Nakatanggap din ang mga nasa Laurel evacuation center ng mga banig at kumot.

Ang mga local government unit at Brigada Batangas tumulong sa Meralco contingent sa pamamahagi.

Bukod sa relief packs, nag-donate ang OMF ng mga sako ng bigas sa Brigada Batangas para sa mga pamilya sa Lemery, Batangas.

Ang mga donasyon ginawa ng mga empleyado ng Meralco, ang Meralco Employees Fund for Charity, Inc. (MEFCI) at Vantage Energy Solutions and Management, Inc.

Kabilang sa mga haligi ng adbokasiya ng OMF ang Community Electrification, Environmental Sustainability, Youth and Women Development, Emergency Preparedness and Disaster Response, Grassroots Partnerships at Employee Giving and Volunteerism.