Secretary Christina Garcia Frasco Inilahad ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang strategies ng Pilipinas sa gastronomy tourism sa ilalim ng administrasyong Marcos sa pagbubukas ng 9th UN Tourism World Forum on Gastronomy Tourism sa Manama, Bahrain.

Strategies ng PH sa gastronomy tourism inilahad sa forum sa Bahrain

Jon-jon Reyes Nov 19, 2024
10 Views

INILAHAD ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang strategies ng Pilipinas sa gastronomy tourism sa pagbubukas ng 9th UN Tourism World Forum on Gastronomy Tourism sa Manama, Bahrain.

Lumahok si Kalihim Frasco kasama ang Ministro ng Turismo ng Bahrain na si Fatima bint Jaffar Al Sairafi at ang Deputy Minister of International Affairs ng Saudi Arabia na si Sultan AlMusallam sa event.

Itinampok niya ang komprehensibong patakaran ng Pilipinas at mga hakbangin sa pamamahala na naglalayong i-unlock ang potensyal ng gastronomy sa turismo.

“Sa Pilipinas, ang gastronomy nakapaloob sa ating pambansang diskarte sa pamamagitan ng ating National Tourism Development Plan na inaprubahan ng ating Pangulo sa simula ng kanyang administrasyon, ” sabi ni Secretary Frasco.

Binigyang-diin ng DOT chief ang tagumpay na pagho-host ng Pilipinas ng inaugural UN Tourism Regional Forum on Gastronomy Tourism for Asia and the Pacific sa Cebu.

“Kami ay nalulugod at napakasaya na tanggapin ang mga delegado mula sa buong mundo sa UN Tourism Regional Gastronomy Forum.

Kami ay nagpapasalamat, kapwa sa UN Tourism, lalo na kay Secretary-General Zurab (Pololikashvili), pati na rin sa Basque Culinary Center, para sa pagbibigay sa Pilipinas ng plataporma kung saan magkakaroon ng pag-uusap na ito na nagresulta sa Cebu Call to Action on Gastronomy Tourism,” sabi ng opisyal.

Pinuri ni UN Tourism Secretary General Zurab Pololikashvili ang pagsisikap ng Pilipinas at ang pamumuno ni Secretary Frasco.

“I’m very happy to see our dear Minister from (the) Philippines, dear Christina. It’s my honor. It’s ang aming kasiyahan.

Ang iyong presensya dito, dahil marami kang ginagawa para (sa) industriya ng turismo,” sabi ng opisyal.