Suspek Kinilala ng pulis ang dalaga na natimbog dahil sa pag-iingat ng mahigit P200,000 na halaga ng shabu. Kuha ni JonJon Reyes

Bebot na drug suspek nasakote sa P200K na shabu

Jon-jon Reyes Nov 25, 2024
10 Views

TIMBOG sa mga operatiba ng Station Drugs Enforcement Unit ng Manila Police District-Binondo police station 11 ang 28-anyos na babae dahil sa pag-iingat ng mahigit P200,000 na halaga ng shabu noong Martes.

Si alyas Jenny Babe ang itinuturong main suspek sa bentahan ng ilegal na droga sa Mel Lopez Blvd sa may kanto ng Delpan St., Binondo, Manila, ayon sa mga pulis.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Robert Mupas, station commander ng MPD Meisic Binondo police station 11, bandang alas-10:22 ng gabi may tumawag sa telepono mula sa isang concerned citizen kaugnay sa talamak na bentahan ng droga sa nabanggit na lugar.

Habang nagpa-patrol ang mga pulis sa Mel Lopez Blvd doon na namataan ang suspek at agad na sinita ng mga pulis.

Doon nadiskubre ang 2 plastic sachets na may lamang 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P204,000 na hawak ng bebot.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Seksyon 11, Artikulo II ng RA 9165 (An Act Instituting the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).