Speaker Romualdez HOUSE PLENARY – Inihayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang suporta para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa kanyang mensahe sa plenary hall ng House of Representatives hapon ng Lunes. Kuha ni VER NOVENO

Speaker Romualdez kay VP Sara: Sagutin tanong sa P612.5M secret funds kung wala kang itinatago

16 Views

HINIKAYAT ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Lunes si Vice President Sara Duterte na harapin ang mga alegasyong may kinalaman sa umano’y maling paggamit ng P612.5 milyong confidential and intelligence funds (CIFs) na natanggap ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) noong 2022 at 2023 nang siya pa ang DepEd secretary.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga kasamahan sa Mababang Kapulungan, binigyang-diin ni Romualdez na ang pahayag ni VP Duterte na nag-utos siya sa isang assassin na patayin siya, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at si First Lady Liza Araneta Marcos ay hindi lang nakakabahala kundi mapanganib.

“Let me be clear: Hindi na ito biro. Hindi na ito normal na pananalita. Isa itong direktang banta sa ating demokrasya, sa ating pamahalaan, at sa seguridad ng ating bansa,” ani Speaker Romualdez.

Muling idineklara ni Romualdez ang kanyang matatag na suporta sa administrasyon ng Pangulo.

Pinagtanggol din niya ang Mababang Kapulungan mula sa mga pag-atake at paglabag sa mga protocol na ginagawa umano ng Bise Presidente.

Sinabi niya na ang mga alegasyon ng Bise Presidente na siya’y nagpaplano para sirain ito dahil sa umano’y ambisyong pampulitika nito para sa 2028 ay walang basehan at walang katotohanan, at isa umanong desperadong pagtatangka na ilihis ang atensyon mula sa tunay na mga isyu.

Dagdag pa niya, “Malinaw ang katotohanan: ang trabaho ko bilang Speaker ay maglingkod, hindi manira. Ang pulitika ng paninira ay hindi kailanman naging bahagi ng aking prinsipyo.”

Ipinaliwanag ni Romualdez na nakatuon ang kanyang liderato sa pagganap ng mga tungkulin bilang Speaker nang may integridad, walang pansariling interes at para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

“These unfounded accusations are not just about me. They are an affront to the House of Representatives. They are an attempt to erode public trust in this institution, to sow division, and to create chaos. We choose unity over division, dialogue over conflict, and cooperation over confrontation,” saad ni Romualdez.

Tinanong din niya kung bakit tila nililihis ni VP Duterte ang usapin.

“The answer is simple: to divert attention from mounting evidence of fund misuse under her leadership at the Office of the Vice President (OVP) and the Department of Education (DepEd),” aniya.

“The issues surrounding confidential and intelligence funds, the questionable disbursements, and the lack of transparency demand answers. We will not tolerate and accept vague explanations and evasive responses,” wika pa nito.

“Kung wala kang itinatago, bakit hindi sagutin ang mga tanong? Karapatan ng taumbayan na malaman ang katotohanan,” diin ni Speaker Romualdez.

“Accountability is not optional. Transparency is not negotiable. Those entrusted with public funds must be prepared to explain where it was disbursed, and how these resources were utilized,” dagdag niya.

“Hindi ito personal. Ito ay usapin ng pananagutan at tiwala ng taumbayan. Instead of providing clarity, we have seen attempts to shift the narrative, to create distractions, and to fabricate stories,” aniya pa.

Ipinaalala niya na ang katotohanan ay matatag at walang ingay ang kayang lunurin ito.

Sinabi ni Speaker Romualdez sa kanyang mga kasamahan na siya’y napilitang magbigay ng pahayag na mabigat sa puso ngunit may paninindigan dahil sa mga akusasyong direktang tinutok sa kanya at pati na rin sa mga pag-atake sa institusyong pinahahalagahan ng sambayanan – ang Kapulungan ng mga Kinatawan, ang puso ng demokrasya at tinig ng sambayanang Pilipino.

Ayon sa kanya, ang mga banta ng Bise Presidente laban sa kanya, sa Pangulo at sa Unang Ginang ay nagbibigay ng nakakatakot na mensahe sa bayan – isang mensahe na ang karahasan ay maaaring pag-isipan ng mga nasa kapangyarihan.

“This is not just an affront to the individuals targeted; it is an attack on the very foundation of our government. It is an insult to every Filipino who believes in the rule of law and the sanctity of life. Violence has no place in our society. It is irreconcilable with the values that have taught and guided us for years — values of respect, and amicable peaceful conflict resolution,” pahayag niya.

Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na hindi dapat hayaang palampasin ng mga miyembro ng Kapulungan ang mga banta ng Bise Presidente bilang karaniwang retorika.

“The gravity of such a confession demands accountability. It demands answers. It demands that we, as the representatives of the Filipino people, take a stand to protect our democracy from any and all forms of threats,” giit niya.

“The actions of the Vice President will go down the annals of history like a nightmare that will haunt our people for generations, and this House will do whatever we can to protect the dignity of this institution and the 100 million Filipinos we represent,” dagdag niya.

Nanawagan siya ng sama-samang depensa para sa integridad ng House of Representatives.

“This House of the People is a sacred institution. It is the embodiment of the people’s will, and its dignity must be upheld at all times,” sabi niya.

“Ang Kongreso ay sagrado. Ang mga patakaran at seguridad dito ay hindi nilalabag. Ang paglabag sa mga ito ay kawalang-galang sa taumbayan na ating pinaglilingkuran,” dagdag niya.

Sinabi rin niya na ang kawalang-galang sa Kapulungan, sa mga protokol nito at sa pamunuan nito ay hindi lang paglabag sa mga patakaran – ito ay paglabag sa tiwala.

“To mock our protocols, to defy our orders, and to malign our leaders is to disrespect the Filipino people who elected us to serve. This House operates on the principles of the rule of law, transparency, and accountability. These principles are the bedrock of our democracy. To undermine them is to weaken the foundation upon which our nation stands,” wika pa ni Speaker Romualdez.

Nanawagan ang House leader sa kanyang mga kasamahan na magkaisa sa pagtatanggol sa kanilang institusyon.

“Ipaglaban natin ang dignidad ng Kongreso. Ipaglaban natin ang katotohanan. Ipaglaban natin ang ating demokrasya. This is not about personal interests; it is about preserving the integrity of the House of Representatives and ensuring that it remains a strong and credible voice for the Filipino people,” ani Romualdez.

Tiniyak niya sa publiko na ang Kapulungan ay hindi susuko sa pangako nito sa transparency, accountability at serbisyo.

“We should not allow individuals to ruin this great nation with their manipulative tactics, their troll armies, or their few blind followers. We owe it to the Filipino people to remain steadfast in our mission to pass laws that improve lives, protect freedoms, and ensure a brighter future for all,” wika niya.

Sa muling pagdidiin ng kanyang matatag na suporta kay Pangulong Marcos Jr., sinabi ni Speaker Romualdez, “Together, we will continue to advance the reforms and policies that will lead to economic recovery, national security, and a more equitable society.”

“Ang laban na ito ay hindi tungkol sa akin, hindi tungkol sa inyo, kundi para sa ating bayan at sa kinabukasan ng bawat Pilipino,” dagdag pa niya.

Nanawagan siya sa mga miyembro ng Kapulungan: “Let us rise above the distractions. Let us reject baseless accusations. Let us focus on what truly matters: serving the people and strengthening the institutions that uphold our democracy.”

“Let us stay focused, steadfast, and committed to the great job we are doing. It is indeed my honor and privilege fighting this battle with all of you,” wika pa ni Speaker Romualdez.