Rep Rolando

Panawagan ng Digital Pinoy tungkol sa TNVS, kinatigan ni Valeriano

Mar Rodriguez Nov 28, 2024
18 Views

KINAKATIGAN ng Chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano ang panawagan ng grupong Digital Pinoys sa Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magpataw ito ng mas mahigpit na alituntunin sa gitna ng tumataas o lumulobong presyo ng pamasahe ng mga Transport Network Vehicle Services (TNVS).

Nauna rito, nagpahayag ng sentimyento ang naturang grupo patungkol sa maituturing na talamak na problema ng mga mananakay o commutters na masyadong malaki ang itinataas sa presyo ng pamasahe tuwing sasapit ang holiday season na tanging ang LTFRB lamang ang makakapag-bigay ng kaukulang solusyon hinggil dito.

Dahil dito, umaapela si Valeriano bilang Chairman ng Committee on Metro Manila Development sa LTFRB upang agad na aksiyunan nito ang hinanaing ng libo-libong pasahero na taon-taon na lamang ay masyadong napakataas ang ipinapataw na pasahe ng mga TNVS kung saan ilan sa reklamo ng mga mananakay ay nagiging doble o triple ang pasahe na sinisingil ng TNVS.

Paliwanag ni Valeriano na hindi naman masama kung tumaas man ng bahagya ang pamasaheng sinisingil ng TNVS sa pagpasok ng Christmas season. Subalit hindi na aniya makatwiran kung aabot ng doble o triple ang kanilang sinisingil sa mga pasahero sapagkat magiging mabigat na ito para sa mga commutters kahit pa sabihing holiday season.

Sang-ayon ang kongresista na kinakailangan ng matuldukan ang naturang problema sa pamamagitan ng aksiyong gagawin ng LTFRB upang mapangalagaan din nito ang interes at kagalingan ng libo-libong mananakay na tumatangkilik ng TNVS.

Samantala, ibinida naman ni Valeriano ang mga naging achievement si Manila Mayor Dra. Honey Lacuna kabilang na dito ang paglago ng ekonomiya ng Lungsod sa pamamagitan ng P987.88 bilyong output (emonomiya) noong nakaraang taon (2023).

Ayon kay Valeriano, ang paglago sa ekonomiya ng Maynila ay mas malaki sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Lacuna kumpara sa mga nagdaang administrasyon o mga naging Alkade ng Lungsod.

“Kumpara sa ibang administrasyon. Ang Lungsod ng Maynila ay parang 16-wheeler cargo trailer truck o malaking tour bus na maraming pasahero, hindi yan pangha-harurot sa kalsada. Kumbaga, mas maayos ang ekonomiya ngayon ng Lungsod dahil sa pamamahala ni Mayor Lacuna,” paliwanag ni Valeriano.

To God be the Glory