Crisologo

BBM -Sara campaign rally sa balwarte ni Crisologo dinagsa

Mar Rodriguez Apr 11, 2022
360 Views

Campaign rally ni sara duterte sa balwarte ni Cong. Onyx crisologo sa distrito uno dinagsa ng libo-libong katao

DINAGSA ng libo-libong residente ng Barangay Manresa at ang ilang naman ay nagmula pa sa mga kalapit nitong Barangay sa Unang Distrito ng Quezon City ang campaign rally ng UniTeam Vice-Presidential Candidate at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Kabilang sa mga dumalo sa campaign rally ng UniTeam ay sina dating Presidential spokesperson at Senatorial candidate Harry Roque at kapwa kandidato nito para sa nasabing posisyon na si House Deputy Speaker at SAGIP Party List Rep. Rodante Marcoleta.

Kasabay nito, itinatag din sa ginanap ng campaign rally ang BBM-Sara Quezon City Movement na binubuo ng mahigpit limang libong miyembro at inaasang mas lalo pang madadagdagan ang mga miyembro nito sumapit ang araw ng eleksiyon sa Mayo.

Sa kaniyang talumpati sa libo-libong dumalo sa naturang campaign rally, pinasalamatan naman ni Mayor Inday Sara Durterte si Quezon City Rep. Anthony Peter “Onyx” Crisologo sa pag-imbita sa kaniya kasunod para mangampanya sa District 1. Kasunod ng pagmamalaki nito na maganda at malaki ang nagawa ni Crisologo sa kaniyang Distrito.

Sa pamamagitan ng “Serbisyong Crisologo” na nagsimula pa noong panahon ng ama ng kongresista na si dating 1st Dist. QC Rep. Vincent “Bingbong” Crisologo.

“Maayong hapon sa inyong lahat, nagpapasalamat po ako sa oportunidad na ibinigay po ninyo sa akin sa hapong ito. Ang araw ng linggo ay araw ng ating paglilinis at paglalaba, pero ibinigay ninyo ang araw na ito para sa amin. Nagpapasalamat po kami sa inyo, nagpapasalamat po kami sa oras ninyo at sa pagtanggap niyo sa amin, nagpapasalamar po ako kay Cong. Onyx Crisologo at sa kaniyang may bahay na si Coun. Nikki Crisologo”. sabi ni Mayor Inday Sara Duterte sa harap ng libo-libong dumalo sa campaign rally.

Kabilang sa mga dumalo campaign rally ay ang mga kandidato ng Malayang Quezon City sa pangunguna ni Mayorality Candididate at AnaKalusugan Party List Rep. Michael “Mike” T. Defensor, Vice-Mayoralty Candidate Winston Castelo at mga tumatakbong Konsehal sa ilalim ng nasabing ticket.

Sa kaniyang mensahe, hiniling ni Crisologo (Onyx) sa kaniyang mga ka-distrito ang buong suporta hindi lamang para sa lahat ng candidato ng Malayang Quezon City kundi pati narin sa lahat ng kandidato ng UniTeam sa pangunguna ng Marcos-Duterte tandem kasama ang mga senatorial candidates nito.