Just In

Calendar

December 2024
M T W T F S S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Marbil

Marbil: Kasong kriminal vs VP Sara hindi pulitikal

Alfred Dalizon Dec 1, 2024
25 Views

IGINIIT ni Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Francisco D. Marbil nitong Linggo na ang mga kasong kriminal na isinampa ng kanyang mga tauhan laban kay Bise Presidente Sara Duterte at iba pa ay hindi pulitikal, kundi bahagi ng konstitusyonal na mandato ng PNP na ipatupad ang batas.

“The PNP remains committed to its mandate to enforce the law without fear or favor. The filing of cases against any individual, regardless of status or political affiliation, is a reflection of our duty to the Constitution and the Filipino people,” ani Gen. Marbil sa isang pahayag.

Binanggit din niya ang kahalagahan ng pagsasakatuparan ng batas, at binalaan ang posibleng epekto ng kawalan ng aksyon sa tiwala ng publiko.

“If we do not file cases against those accused, what will people say? Takot ang pulis, pangmahirap lang ang pangil ng batas. We cannot allow such perceptions to take root. Our duty is to apply the law to everyone, regardless of their standing, because justice is not selective,” paliwanag niya.

Idiniin ni Marbil ang mga aral mula sa nakaraan, partikular ang mga kontrobersya sa selektibong pagpapatupad ng batas.

“We have seen how inaction, or selective application of the law, undermines public trust—like the ‘tokhang’ criticisms of the previous administration, where victims were perceived to be predominantly from the poor. We refuse to let history repeat itself. The PNP is committed to protecting all sectors of society without bias or prejudice,” dagdag niya.

Noong Miyerkules, nagsampa ang Quezon City Police District ng mga kasong kriminal laban kay VP Duterte, sa hepe ng Vice Presidential Security and Protection Group na si Colonel Raymond Lachica, at sa dalawang John Does.

Ang mga kaso ay may kaugnayan sa direktang pananakit, pagsuway sa awtoridad, at grave coercion matapos ang kanilang alitan sa mga pulis na sumusunod sa utos na ilipat ang chief of staff ni Duterte na si Attorney Zuleika Lopez mula sa House of Representatives papuntang Veterans Memorial Medical Center.

Muling pinagtibay ni Gen. Marbil ang panunumpa ng PNP na protektahan ang karapatan ng lahat ng mamamayan habang sinisigurong patas ang hustisya.

“Our laws must be observed, obeyed, and upheld. This is our sworn duty as law enforcers. It is not about politics, but about ensuring accountability under the legal framework we all agreed to as a democratic society,” aniya.

Tiniyak din niya sa publiko na may legal na mekanismong nakahanda upang masiguro ang patas na proseso, at binigyang-diin na may karapatan ang lahat na ipagtanggol ang kanilang sarili, alinsunod sa Konstitusyon.

Binanggit niya ang prinsipyong legal na “Dura lex, sed lex”—ang batas ay maaaring mahigpit, ngunit ito ang batas—bilang gabay ng PNP sa kanilang tungkulin.

“It is this principle that guides us in our work. As law enforcers, we cannot choose whom to apply the law to or make exceptions based on affiliations or relationships. Our mandate is to protect and serve all people equally, without prejudice or discrimination,” saad ni Marbil.

Pinasiguro rin ng PNP chief na ang organisasyon ay mananatiling tapat sa kanilang tungkulin nang may integridad, walang kinikilingan, at may respeto sa karapatang pantao.

“Let us all remember that the rule of law is the foundation of a just and peaceful society. As the guardians of public safety, we remain committed to this principle for the benefit of the Filipino people,” aniya niya.