Just In

Calendar

December 2024
M T W T F S S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Belmonte

33 awardees pinarangalan sa 2024 Quezon City Green Awards

Cory Martinez Dec 2, 2024
20 Views

TATLUMPUT TATLONG awardee mula sa barangay, paaralan, ospital, negosyo, Sanggnuniang Kabataan at youth-based organization ang pinarangalan ng pamahalaang lungsod ng Quezon sa nakalipas nitong 2024 Quezon City Green Awards.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ipinakita ng mga awardee ang kanilang multi-sectoral at whole-of-city approach sa pagbawas sa matinding epekto ng climate crisis.

“Ang partisipasyon ng barangays, businesses, schools, hospitals, youth groups, at Sangguniang Kabataan sa QC Green Awards ay patunay na bawat indibidwal at institusyon ay may kakayahang lumikha ng makabuluhang pagbabago. Sa mga programang nakatuon sa pangangalaga sa kalikasan at kahandaan sa sakuna, ipinapakita ninyo na ang bawat aksyon ay nagdudulot ng malaking epekto sa inyong komunidad, sa ating lungsod, at sa ating planeta,” ani Belmonte.

Kinikilala ng Green Award ang mga institusyon na may malaking ambag sa pagresolba sa climate change at pagpapatupad ng mga sustainable practices.

Ang mga pinarangalan ay ang Barangay San Antonio para sa kanilang SANA OIL (Sustainable Grease and Oil Waste Management Initiative); ResKyusi Food Basket Program ng Barangay Commonwealth; Barangay Batasan Hills para sa Juan Batasan; Barangay Immaculate Conception para sa Farmville; Barangay Philam para sa kanilanh solid waste management and solutions project; Luntiang Pamumuhay Inc. para sa Back to Basics Ecostore at ang Recycling Market ng Robinsons Novaliches’s Recycling Market.

Kabilang pa sa mga awardee ay ang Maynilad Water Services, Inc. para sa pagkakabit ng dalawang 1-Megawatt Solar Farm sa La Mesa Compound; ang  My Home, My Responsibility initiative ng Eastwood City; St. Theresa’s College of Quezon City para sa kanilang SINOP Program; Plastic-free Mondays ng New Era High School at ang Commonwealth High School para sa kanilang Gulayan sa Paaralan.

Nakatanggap ang lahat ng awardee ng cash grant na maari nilang gamitin para sa pagpapatupad at pagbuo ng kanilang green at resilient program.

Dumaan ang mga pinarangalan sa mahigpit na beripikasyon at assessment process sa pangunguna ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) at Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD), katulong ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod at ahensya.

May kabuuang 160 entry mula mga  barangay, Sangguniang Kabataan, youth organizations, businesses, ospital at paaralan ang nagsumite ng kanilang entry sa QC Green Awards.

“Asahan ninyo na ang Quezon City ay nananatiling matatag sa aming pangako na makipagtulungan sa inyong lahat. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbuo ng isang lungsod na hindi lamang matatag at sustainable kundi nagsisilbing inspirasyon para sa iba na naghahangad ng mas handa at luntiang hinaharap,” dagdag pa ng alkalde.