Nanghoholdap ng Bumbay tiklo sa parak
Apr 19, 2026
Calendar
Provincial
Tumalon sa tubig sumalpok sa bato, utas
Gil Aman
Dec 6, 2024
468
Views
PATAY ang grade 5 na estudyante nang malunod matapos tumama ang ulo sa bato sa pagdive sa San Cristobal Dam sa Brgy. San Cristobal, Calamba City, Laguna noong Huwebes.
Kinilala ang biktima na si John Carlo Padios Salcedo, 11, ng Purok 7, Villa Palao, Brgy. Banlic, Calamba City.
Nadiskubre ang walang ng buhay na biktima dakong alas-12:45 ng tanghali matapos ipagbigay alam ni Dencio Inocencio Padios, 12 , ang nangyari sa biktima.
Nabatid na nagkayayaan ang mag-pinsan upang maligo at mag swimming sa San Cristobal Dam mga bandang alas-9:45 ng umaga.
Nang makarating sila sa dam, tumalon ang biktima pero hindi inaasahan na tumama ang ulo sa bato at lumubog sa tubig at hindi na lumutang.
Nanghoholdap ng Bumbay tiklo sa parak
Apr 19, 2026
Mahigit P2.5M shabu nakumpiska sa drug suspek
Apr 19, 2026
Bihirang Palawan Leopard Cat ibinalik sa gubat
Apr 19, 2026
Gold scammer nakatangay ng P3.3M
Apr 18, 2026

