Suspek Tatlong hinihinalang tulak ang natimbog at mahigit P140,000 na halaga ng shabu ang nasamsam sa Cabanatuan City. Apat pang suspek sa iba’t-ibang kaso ang nahulog sa kamay ng Nueva Ecija police.

3 laglag sa P140K na shabu sa Cabanatuan

Steve A. Gosuico Dec 6, 2024
45 Views

CABANATUAN CITY–Tatlong pinaghihinalaang suspek sa ilegal na droga ang naaresto at nakuhanan ng mahigit P140,000 na halaga ng shabu noong Huwebes sa siyudad na ito.

Natimbog ang tatlong suspek sa Brgy. Bangad at Mabini Homesite dakong alas-11:00 ng umaga, ayon sa mga pulis.

May kabuuang 20.6 na gramo ng shabu ang nasamsam sa anti-illegal drug operation kamakailan, ayon kay Nueva Ecija police chief Col. Ferdinand Germino.

Sinampahan ang mga naaresto ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Samantala, apat pang suspek sa iba’t-ibang krimen ang nahuli sa magkahiwalay na operasyon ng mga pulis.

Inaresto ang dalawa ng Sto. Domingo police dahil sa paggamit ng mga pekeng dokumento at estafa.

Nahuli naman ng Quezon police ang isa dahil sa paggamit ng mga pekeng dokumento at nahuli ng Palayan City police ang isang lumabag sa Batasang Pambansa 22 (Bouncing Checks Law).