BBM Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ceremonial signing ng Ligtas Pinoy Centers Act at Student Loan Payment Moratorium During Disasters and Emergencies Act, Disyembre 6, 2024 sa Malacañan Palace, Manila. Sinaksihan ito nina Senate President Francis Escudero, House Speaker Martin Romualdez, Senator Grace Poe, Senator Bong Go, Office of the Civil Defense Undersecretary Ariel Nepomuceno, at iba pang mambabatas. Kuha ni YUMMIE DINGDING / PPA POOL

PBBM nilagdaan 2 batas na pinapakita suporta ng admin sa pamilya, mag-aaral na apektado ng kalamidad

Chona Yu Dec 6, 2024
76 Views

BBM1NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Ligtas Pinoy Centers Act at Student Loan Payment Moratorium During Disasters and Emergencies Act.

Layunin ng bagong batas na maipakita ang dedikasyon ng administrasyon sa pagsuporta sa mga pamilya at mag-aaral na apektado ng mga kalamidad.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na sa ilalim ng Ligtas Pinoy Centers Act magtatayo ng mga kumpletong pasilidad para sa evacuation centers sa buong bansa upang magbigay ng ligtas na tirahan para sa mga residente na apektado ng kalamidad.

Ang bagong batas nagsusulong ng kahandaan at pagtugon bilang bahagi ng kamalayan ng bansa.

Ibinahagi ni Pangulong Marcos ang kanyang pagbisita kamakailan sa mga biktima ng sunog sa Tondo, Manila na nanunuluyan sa isang evacuation center.

Samantala, ang Student Loan Payment Moratorium During Disasters and Emergencies Act nagbibigay ng pampinansyal na ginhawa sa mga mag-aaral at kanilang pamilya sa panahon at pagkatapos ng kalamidad sa pamamagitan ng moratorium sa paniningil ng student loan nang walang multa at interes.

“We do not wish for the frequent usage of such facilities and can only pray that we have fewer calamities.

But nonetheless, we need to ensure that the evacuation centers sufficiently respond to the needs of our people affected by calamities and other such emergencies,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Investing in these climate-resilient facilities must be the norm for we are not only protecting the people’s lives, but also capacitating our local government units to respond, to reduce, and to manage the risks of disasters,” dagdag ng Pangulo.