Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Ang suspek matapos madampot ng mga pulis dahil nakitaan ng baril sa Sampaloc, Manila.
Nation
Obrero nasakote sa boga, bala
Jon-jon Reyes
Dec 22, 2024
680
Views
NAHULI ng mga pulis ang isang obrero dahil sa pagdadala ng hindi lisensyadong baril sa Sampaloc, Manila noong Sabado.
Dinampot ang suspek na si alyas Laklak sa Lacson St., Brgy. 432, Zone 44, Sampaloc, ayon kina Police Corporal Jimmy Cawaling, Patrolman Kenneth Telewik at Patrolman Regie Rioflorido, bandang alas-10:15 ng gabi.
Bago dinala sa presinto, sumailalim muna sa medical examination ang suspek sa Ospital ng Sampaloc.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2013) matapos mahulihan ng .22 caliber revolver at apat na bala.

