Pic2 Source: FB

Mag-ina pinagbabaril ng selosong kelot sa Cebu, dedo

Zaida Delos Reyes Dec 12, 2024
32 Views

PATAY ang mag-ina matapos na pagbabarilin ng live-in partner ng biktima dahil sa umano’y labis na selos sa Barangay Valladolid, Carcar , Cebu.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jennive Abella, 38-anyos at anak na si Val, 14.

Arestado naman ang suspect na nakilalang si Jethor Lapina, boyfriend at live-in partner ni Jennive.

Ayon sa ulat ng Carcar Police, lasing ang suspect nang isagawa ang krimen.

Nauna rito, narinig umano ng mga kapitbahay na nagtatalo ang dalawa at ilang minuto pa ang nakalipas ay umalingawngaw na ang mga putok ng baril.

Dead on the spot ang biktima habang tinangka pang tumakas ng suspect subalit naaresto rin ito ng mga rumispondeng alagad ng batas.

Napag-alaman na madalas nang magtalo at mag-away ang maglive-in partner dahil sa selos.

Ayon sa ilang kaanak ng biktima, may hinala ang suspect na hindi niya anak ang ipinagbubuntis ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.