Rep Tulfo

DTI pinapaprotektahan 300K workers na posibleng ma-etsa pwera ng online selling

19 Views

PINAKIKILOS ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo ang mga ahensya ng pamahalaan partikular ang Department of Trade and Industry (DTI) na agad aksyunan at bigyan ng proteksyon ang mahigit 300, 000 manggagawa na nanganganib na mawalan ng trabaho kung patuloy na malulugi ang mga local manufacturer sa bansa dahil sa pagsulpot ng mga online selling.

Sa ikalawang pagdinig ng Committee on Trade and Industry ng Kongreso sa pamumuno ni Rep. Fergenel Biron, ukol sa House Resolution No. 1912 na inihain ni Tulfo at kanyang mga kasamahan sa ACT-CIS partylist ukol sa umanoy unfair na bentahan ng mga produkto mula sa ibang bansa gamit ang mga online platforms tulad ng Lazada at Shopee, binatikos ng mambabatas ang tila kawalan ng aksyon ng DTI para bigyan ng protection ang mga local manufacturers at ang mahigit 300, 000 kawani nito.

“This has been going on for a while now and you haven’t acted on their problem. Kami po ba ang gagawa ng trabaho nyo (dito sa Congress) o gagawin niyo ang trabaho niyo? This is your job. Imagine 300, 000 employees ang nanganganib na mawalan ng trabaho because of this online (selling). Hindi ko naman po sinasabi na bawal, pero kailangan i-level natin ang playing field,” ani Tulfo sa isinagawang pagdinig nitong nakaraang Disyembre 17.

Sumbong ng mga local manufacturers, nalulugi ang kanilang mga kumpanya dahil sa magkalat ng mga bentahan ng mga produkto na galing sa China na walang kaukulang mga papales o hindi dumaan sa regulasyon ng pamahalaan, gamit ang mga online platform na Shopee, Lazada at iba pa. Kung hindi ito masasawata, aminado ang mga manufacturers na posibleng silang magsarado at mawalan ng trabaho ang mahigit 300, 000 nilang mga kawani.

Tugon naman ng DTI, hindi sila tumitigil para pigilin ang mga pagpasok ng produkto na hindi dumadaan sa kanilang ahensya.

“Just last year, more than just being reactive we’ve been very proactive in terms of online monitoring and issuing show cause order for the take downs of their products in online platforms,” paliwanag ni Asec Agaton Teodoro Uvero, supervising head of the Fair Trade Group ng DTI. Dagdag pa nila na ngayon lamang taon ay aabot na sa mahigit 13, 000 produkto ang kanilang naipa-take down sa mga online platforms.

Pero hindi kumbinsido dito si Tulfo. Gustong niyang kumilos ang ahensya para masigurong mapo-protektahan ang mga kapakanan ng mga manggagawa sa bansa.

“Do you think that is an acoomplishment? What are the safeguards now to protect local businesses? Meron ba kayong mga in place na mga safeguards to priotect local businesses. Nakikita ko kasi wala kayong nakalatag para ma-protekhanan itong 300, 000 workers na posibleng mawalan ng trabaho,” giit ni Tulfo.

“Puro na lang kayo naririnig ko nung nakaraang hearing pa na puro take down. Pero yung meron po ba kayong plano para protektahan ang kanilang mga negosyo? Mawawala nang negosyo ang mga ito dahil sa online,” dagdag ni Tulfo.

“Pag hindi hindi tayo kumilos wala pong pupuntahan itong mga manufacturer natin,” giit niya.

Nagkasundo rin sina Biron at Tulfo na dapat ay taasan ang parusa nang lalabas sa Internet Transaction Act na kasalukuyan ngayong dinidinig sa Kongreso.

“What is lacking here is the penalty that should be imposed on the platform itself. Kung titingnan mo pinagtatawanan lamang itong batas na ito kasi it’s a mere P20, 000 penalty for first offense. P100, 000 for the second offense and P500, 000 to P1 million for the third offense.” ani Biron.

“it’s high time that we amend this law, para taasan ang parusa sa mga lumalabag ng batas,” pagsang-ayon ni Tulfo.

Iminungkahi rin ni Biron na dapat ay pag-aralan ng pamahalaan kung paano mahahabol ang mga lumalabag sa naturang batas na karamihan ay naka-base sa ibang bansa partikular sa China.

Iminungkahi naman ni Carol Yao, may-ari ng Tough Mama appliances na dapat ay hingan ng bond anglahat ng gagamit ng online platform sa bansa.

“In our position paper, we are requesting a bond for all the offshore companies in favor of the DTI. The bond should be substantial enough that if they violate, the penalties is automatic forfeited in favor of the DTI,” paliwanag ni Yao.