gan sisters Ang magkapatid na Gan — Francesca Nicole at Stephanie Joy — kasama si dating LPGA champion Jennifer Rosales.

Gan sisters sasabak sa Thailand junior golfest

Ed Andaya Apr 21, 2022
324 Views

MAGPAPAKITANG gilas ang golfing sisters na sina Francesca Nicole at Stephanie Joy Gaisano Gan sa Thailand bago ang kanilang pinakahihintay na pagsabak sa IMG Academy Junior World Championships sa San Diego, California

Lalaban ang Gan sisters, na nasa ilalim ng patnubay ni dating LPGA champion Jennifer Rosales, sa darating na TGA-Singha Junior Golf ranking tournament 2022 sa Kabinhuri Sports Club sa Prachinburi.

Ang natirang kumpetisyon ay bahagi ng kanilang paghahanda para sa world tournament sa San Diego, na nakatakda sa Hulyo 10-14.

Tiniyak ni dating Philippine jungolf champion Oliver Gan na mataas ang kumpiyansa ng kanyang dalawang anak matapos ang kanilang mahusay na paglaro sa nakalipas na Philippine qualifiers na ginanap sa Eagle Ridge sa Cavite.

“I’m very proud of what my two daughters have accomplished. At a young age Nicole and Stephanie will be representing our country in the world championships in San Diego,” pahayag ni Gan sa panayam ng People’s Tonight/Taliba.

“But I’m also happy to see that our young golfers are finally back playing in a tournament because other countries have been doing events in the previous months,” dugtong pa ni Gan, na kasalukuyan ding nagsisilbing consultant sa Games and Amusements Board (GAB).

Nasungkit ni Francesca Nicole ang titulo sa 11-12 girls division sa kanyang three-day total na 261 matapos ang mga rounds na 85-86-90.

Ang 11-taon-gulang na si Gan ay nanalo ng dalawang strokes kay Tashanah Niña Balangauan, na may 263.

Makakasama nila Gan at Balangauan sina Lois Laine Go (283) at Isabella Alanis Tabanas (284) sa world championships sa San Diego.

Ito ang ika-apat na pagkakataon na makakalahok si Gan sa prestihiyosong jungolf world tournament.

Huli niyang kinatawan ang Pilipinas sa sa San Diego nung 2019 matapos ang kanyang nakabibilib na paglaro sa girls 9-10 age category sa Intramuros Golf and Country Club sa Manila.

Samantala, ang apat na taong gulang na si Stephanie ang naging pinakabata namang nakakuha ng ticket para sa San Diego matapos pumangalawa sa 6-under category.

Ang nakababatang si Gan ay nagpasiklab sa huling dalawang rounds ng qualifiers sa kanyang 70 at 74 matapos ang opening-day na 91 sa Riviera.

Pumangalawa si Stephanie na may three-day total na 235.

Si Kamilla Edriana del Mundo ang namayani sa naturang age category na may 213 (66-71-76(.

Ang iba pang mga qualifiers sa boys division ay sina Sooreen Lee, Rafael Lucas de Guzman at Kenzo Gavin Tan sa 6-under; Ryuji Suzuki, Mico Deltheo Woo at Raiden Jmari Valle sa 7-8; Ralph

Rian Batican, Race Phoenix Manhit, Jared Saban at Jose Jacobo Gomez sa 9-10; Geoffrey Drew Tan, Marc Kristoffer Nadales, Scott Nicholas Ng at Emilio Hernandez sa 11-12; Shinichi Suzuki,

Patrick Gene Tambalque, Luis Ballesteros at Zach Villaroman sa 13-14; Jet Hernandez, Miguel Armando Ilas IV, Sean Dominique Granada at Bobe Salahog sa 15-18.

Sa girls category, ang mga qualifiers ay sina Maria Brianna Macasaet, Venus delos Santos at Kelly Robyn Ng sa 7-8; Johanna Blair Uyking, Brittany Pauline Tamayo, Margaux Namoco at Jacqiline

Ellouise Audrey Garcia sa 9-10; Reese Allyson Ng, Lia Gabrielle Rosca, Mikhaella Constantino at Celine Abalos sa 13-14; Ma. Rafaela Singson, Arnie Pauline Taguines, Sunshine Burberry Zhang at

Eagle Ace Superal sa 15-18.

Ang naturang qualifiers ay pinamahalaan ng Junior Golf Foundation of the Philippines (JGFP).