bro marianito

Kung nais naitn mapasama ang ating pangalan sa aklat ng buhay. sikapin natin na gumawa ng kabutihan kahit gaano man kahirap (Revelation 20:12)

409 Views

“Nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay. Maging dakila at hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa. Batay sa mga nasusulat sa mga aklat”. (Revelation 20:12)

WINIKA ng ating Panginoong HesuKristo na kailangan nating mag-ingat sa lahat ng uri ng kasakiman dito sa ibabaw ng mundo. Sapagkat ang ating buhay ay hindi naman sinusukat sa dami ng ating kayamanan.

“At sinabi ni Jesus sa kanilang lahat, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kaniyang kayamanan”. (Lucas 12:15)

Kapag dumating na ang ating takdang oras at kailangan na natin humarap sa ating Panginoong Diyos na siyang may bigay ng ating hiram na buhay, hindi naman niya tayo susuriin at susukatin alinsunod sa dami ng ating kamayaman o naging katayuan natin sa buhay.

Bagkos, huhusgahan at hahatulan tayo ng Panginoon nating Diyos batay sa mga bagay na ginawa natin habang tayo ay nabubuhay dito sa ibabaw ng lupa, mabuti man ito o masama.

Ito ang isinasaad ng Pagbasa mula sa sulat ni San Mateo tungkol sa kuwento ng “Paghuhukom.” (Mate0 25:31-46)

“Sasabihin ng Hari, “Tandaan ninyo, nang gawin niyo ito sa isa sa mga Alagad ko, siya man ang pinaka-hamak, ako ang inyong tinulungan”. (Mateo 25:40)

Ang mga iniisnab nating mga batang namamalimos sa lansangan, mga taong ngangalabit para manghingi kahit kaunting pagkain at mga taong nagkakalkal ng basura para lamang maghanap ng pagkaing magpapatighaw sa kumakalam nilang sikmura ang larawan pala ng Diyos.

Kaya pagdating ng takdang oras sapagkat hindi naman tayo mabubuhay ng matagal o “forever” dito sa ibabaw ng mundo. Tayo ay hahatulan at huhusgahan ng Panginoon ayon sa naging pagtrato natin sa mga taong binabalewala at pinandidirihan natin.

Ganito ang mensahe ng Talata mula sa Revelation (Rev. 20:12) tungkol sa “Aklat ng Buhay” na mayroong mahalagang papel na gagampanan sa ating mga huling araw o arw ng paghuhukom.

Sapagkat dito nasusulat ang pangalan ng mga taong karapat-dapat pumasok sa Kaharian ng Diyos. Dahil hindi lahat ng nagbabanggit sa pangalan ng Panginoon ay tiyak na makaka-akyat sa Langit.

“Hindi lahat ng tumatawag sa akin, “Panginoon, Panginoon ay papasok sa Kaharian sa Langit. KUndi ang tao lamang na sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa Langit.” (Mateo 7:21)

Minsan, inaakala ng iba na makakarating o makakapasok na sila sa Langit dahil sa inaakala nilang nakagawa na sila ng kabutihan. Ngunit nakaligtaan nila ang isang bagay na kailangan natin maging ganap o perpekto katulad ng ating Amang nasa Langit. (Mateo 5:48)

Mahirap man, subalit ito ang nararapat nating gawin kung nais nating mapasama ang ating pangalan sa “Aklat ng Buhay”. Dahil may ilan na ang pananaw nila sa “kabutihan” ay bastante na ang nagsisimba tuwing Linggo, nagdadasal, nagbabasa ng Bibliya at Namamanata.

Ako man, nuong mga panahong hindi pa ako nagsisilbi sa ating Panginoon, inaakala ko din nuong una na nalulugod na sa akin ang Diyos dahil nagsisimba ako tuwing Linggo, nagdadasal ng Rosaryo at paminsan-minsan ay gumagawa ng kabutihan.

Ginagawa ko man ang mga bagay na ito, subalit hindi pa rin ako makakapasok sa kaharian ng Diyos. Sapagkat wala naman talaga sa puso ko ang mga religious obligations na ginagawa ko. Sa kabila nito ay patuloy pa rin ako sa pagkakasala.
Kaya ang mensahe at paalala ngayon sa atin ng Talata na sikapin natin ang makagawa ng kabutihan sa ating kapuwa. Huwag lamang tayong maging prente sa mga inaakala nating bagay na sapat na para malugod sa atin ang Panginoong Diyos.

Kung gagawa man tayo ng kabutihan sa mga taong nasa paligid natin, pagsikapan na natin na ito ay ginagawa natin hindi lamang para bumango ang ating pangalan o magpalapad ng papel. Kundi, kaya natin ito ginagawa ay dahil ito ang kalugod-lugod sa ating Panginoong Diyos.

AMEN