Mapa Philippine Statistics Authority chief at National Statistician Claire Dennis Mapa

Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, nabawasan

Chona Yu Jan 8, 2025
25 Views

BUMABA ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho.

Ayon kay Philippine Statistics Authority chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, nasa 1.66 milyong Filipino na lamang na edad 15 anyos pataas ang walang trabaho noong Nobyembre 2024,mas.mababa sa 1.97 milyong Filipino na walang trabaho noong Oktubre 2024.

Mas mababa rin aniya ito sa Year-on-Year sa 1.83 milyong walang trabaho noong Nobyembre 2023.

Tumaas naman aniya ang employed persons sa 49.54 milyon noong Nobyembre 2024 kumpara sa 48.16 milyon noong Oktubre 2024.

Pero mas mababa aniya ito sa 49.64 milyon na may trabaho noong Nobyembre 2023.

Paliwanag ni Mapa, ang season.hype ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga Filipino na walang trabaho.

Tumaas kasi aniya ang nabigyan ng trabaho sa accommodation at food service activities noong Nobyembre.

Sinabi naman ng Presidential Communications Office (PCO) na nagbunga na ang mga programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na palakasin ang labor market.

Sa panig ng National Economic Development Authority (NEDA) sinabi nitong patuloy na lumalabas ang labor market sa bansa.

“Our labor market remains robust, with consistently high employment rates and reduced underemployment. The next step is to expand business and employment opportunities to enable more Filipinos to actively and productively contribute to the economy,” pahayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan.

“Moreover, we will encourage business upgrading and skills training programs to ensure that these jobs offer competitive wages as our workers raise their productivity by developing their human capital,” dagdag ni Balisacan.