Ligutan Atty. Amando Virgil D. Ligutan

Suporta sa impeach VP Sara bumuhos kasabay ng paglakas sa panawagan magkaroon ng pananagutan, transparency ang mga opisyal ng gobyerno

20 Views

DUMARAMI umano ang panawagan pabor sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte kasabay ng paglakas ng panawagan para sa accountability at transparency ng mga opisyal ng gobyerno lalo na sa paggamit ng pondo ng bayan.

Ito ang sinabi ni Atty. Amando Virgil D. Ligutan, ang isa sa mga legal counsel ng mga complainant sa ikatlong impeachment complaint na inihain laban kay VP Duterte matapos lumabas ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan 41% ng mga Pilipino ang pabor sa impeachment at 35% lamang ang tumutol dito. Mayroon namang 19% na undecided.

“It’s not surprising that more Filipinos are in favor of impeaching Vice-President Sara Duterte than those opposed to it,” ani Ligutan sa isang pahayag.

“There is palpable broad-based support for the initiatives to hold her accountable for the controversial manner she spent the multi-million confidential funds entrusted to her by the Filipino people, and her even more controversial stance not to explain to the public how she did it.,” saad pa ng abugado na ang pinatutungkulan ay ang umano’y maling paggamit ni Duterte ng confidential funds nito na may kabuuang halagang P612.5 milyon.

Matatandaan na tumanggi si VP Duterte na ipaliwanag kung papaano nito ginastos ang confidential funds kasama ang pag-upa nito ng safehouse sa halagang halos P91,000 kada araw sa loob ng 11 araw.

“That really struck a nerve among our people. That made our people angry,” sabi ni Ligutan

Ipinapakita aniya ng resulta ng survey na pagod na ang mga Pilipino sa klase ng pamumulitika ni VP Duterte kung saan aniya ay naging normal na ang kawalan ng pagpapahalaga sa tiwala ng publiko.

“The nation is now tired of the brand of politics the Vice President represents. One that normalizes impunity and disregards with disdain public trust and accountability,” dagdag ni Ligutan.

Upang makumbinsi umano ang 19% undecided, sinabi ng abugado na dapat palakasin ang pagpapakalat ng impormasyon at kamalayan tungkol sa iregularidad sa paggamit ng pondo.

“We get it. But this encourages us … to work even harder to make these undecided realize that there are two starkly opposite sides to choose from – one that promotes honesty, integrity and accountability in the handling of public funds, and the other one that espouses their opposites – dishonesty, corruption and impunity in the handling of public funds,” paglalahad ni Ligutan.

Paalala niya, hindi na lang ito basta obligasyong konstitusyunal ng Kongreso kundi isa ring obligasyong moral.

“We reiterate our call to the members of the House of Representatives and the Senate. The Vice-President has clearly betrayed public trust. Until when will Congress allow the Vice-President’s unabashed betrayal of public trust go unchecked?” tanong ni Ligutan.

“More than ever, we believe that it is no longer just the constitutional obligation of the members of the House of Representatives to impeach, and for the Senate to remove from office, the Vice-President. That obligation now becomes a moral one,” dagdag niya.

Tinukoy ng mga nagtutulak sa impeachment na puno ng iregularidad ang paggamit ni Duterte ng P612.5 million na confidential fund kabilang ang nga pekeng resibo at hindi otorisadong paglalabas ng pondo sa mga gawa-gawang indibidwal.

Bunsod ng mga lumabas na ebidensya, lumakas ang panawagan na si VP Duterte ay papanagutin.

Noong 2024, lumabas sa imbestigasyon ng House Blue Ribbon Committee ang ilang nakakabahalang rebelasyon gaya ng milyong pisong halaga ng renta ng mga safe house at paglulunsad ng youth summits na may kuwestyonableng alokasyon.