Acidre1

Kamara suportado anti-poverty, food security initiative ng PBBM admin

29 Views

Suportado ng Kamara de Representantes, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga inisyatiba ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglaban sa kahirapan at pagpapalakas ng ekonomiya kasama na ang pagkakaroon ng tiyak na suplay ng pagkain.

Ito ang sinabi ni House Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre matapos lumabas ang resulta ng Social Weather Station survey kung saan 63% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabi na sila ay mahirap, ang pinakamataas sa nakalipas na 21 taon.

Ayon kay Acidre ang resulta ng survey ay patunay ng pangangailangan na agad masolusyunan ang problema.

“These figures highlight the urgency of our work in the House under the capable leadership of Speaker Romualdez, while also underscoring the potential impact of the measures we are putting in place,” ani Acidre.

“Food security remains central to our efforts to alleviate poverty and improve the quality of life for every Filipino family,” saad pa nito.

Sinabi ni Acidre na ilungsad ng Kamara ang Murang Pagkain Supercommittee na tinatawag ding Quinta Committee, upang mahanapan ng solusyon ang mga problema kaugnay ng mataas na presyo ng pagkain gaya ng smuggling at mga isyu sa supply chain.

Nakikipag-ugnayan na rin ang komite sa mga ahensya gaya ng National Bureau of Investigation at Bureau of Internal Revenue upang matukoy ang mga negosyanteng nagsasamantala.

“We are tackling the root causes of food insecurity. By ensuring affordable food for all, we are addressing one of the most pressing concerns of Filipino families,” sabi ni Acidre.

Nakikipag-ugnayan din ang Kamara sa Executive branch upang maisulong ang mga programa, gaya ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) at iba apng economic stimulus measures na makatutulong sa pagbawas sa kahirapan sa bansa.

“The rising self-rated poverty level is a challenge we must face head-on,” wika pa ni Acidre. “Let this survey remind us of our shared mission: to uplift the lives of every Filipino and build a future where prosperity is within reach for all.”

Kumpiyansa si Acidre na mahahanapan ng solusyon ng Kamara at administrasyong Marcos ang mga kinakaharap na problema ng bansa.

“These numbers show the challenges we face, but they also drive us to work harder for the Filipino people. With the right policies and programs, we can turn this around,” giit ni Acidre.

Sa pagsisimula ng 2025, sinabi ni Acidre na nakahanda ang Kamara na panatilihin ang mga hakbang nito upang malabanan ang kahirapan at mapalakas ang ekonomiya ng bansa at tiyakin na walang maiiwanang Pilipino.