Film on Pepsi, politically-motivated ba?

Aster A Amoyo Jan 9, 2025
18 Views

DEMOLITION job and politically-motivated nga ba ang paggawa ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma”? Pinamahalaan ito ng controversial director na si Darryl Yap kung saan naging controversial ang teaser ng pelikula which was uploaded on New Year’s day, January 1, 2025. Sa teaser, tinanong ng actress na si Gina Alajar (as the late Charito Solis) si Rhed Bustamante (playing the role of Pepsi Paloma) kung siya’y ni-rape ni Vic Sotto na sinagot ni Rhed ng `oo’.

Matapang ang pagkakagawa ng teaser ng pelikula kung saan buong tapang na binanggit ang pangalan ng veteran host, singer-songwriter, actor-comedian at producer na si Vic Sotto.

Marami ang nagulantang sa nasabing teaser na masasabing mapanira sa katauhan ng mister ni Pauleen Luna maging ang mga kasamahan pa nito sa “Eat Bulaga” na sina Tito Sotto, Joey de Leon at ang yumaong singer, actor-comedian na si Richie D’Horsie.

Ang kuwento umano ng pelikula ay batay sa salaysay ng ina ng yumaong batang sexy star na si Pepsi Paloma na si Lydia Duena Whitley at nakababatang kapatid ni Pepsi na si Zaldy.

Si Pepsi Paloma ay isa sa mga tinaguriang `softdrink beauties’ noong dekada otsenta na alaga ng yumaong talent manager and equally controversial na si Dr. Rey de la Cruz na gagawa noon ng ingay para lamang mapag-usapan ang kanyang mga alaga.

Taong 1982 nang maghain ng demanda si Pepsi sa tulong ng kanyang manager na si Rey de la Cruz laban sa Tito, Vic & Joey kasama si Richie D’Horsie na ni-rape umano siya ng mga ito na sa kalaunan ay na-dismiss din ang kaso due to lack of evidence. Ang kaibigan at kasamahang sexy actress noon ni Pepsi na si Guada Guarin ay nagsalita na rin na wala umanong rape na nangyari kay Pepsi gayundin ang dating sexy actor na si Gil Guerrero (na siyang tumayong driver at bodyguard) ng dalawa.

Nang tanungin umano si Pepsi ni Guada kung may rape na naganap, agad daw ito pinabulaanan ng namayapang sexy star dahil `gimik’ lamang daw ito ng kanilang manager. Wala namang way na mapatotohanan o mapabulaanan ang pahayag na ito ni Guada dahil pareho nang namayapa sina Pepsi at manager nitong si Rey de la Cruz.

Pinabulaanan din ang rape case ng isa pang `Soft drink’ beauty na si Coca Nicolas sa panayam sa kanya.

Winakasan ni Pepsi ang kanyang buhay nung May 31, 1985 while Rey was murdered in front of his own optical clinic in Quiapo where he also served as barangay captain.

Rey had an unsavory reputation nung ito’y nabubuhay pa.

Kung kelan matagal nang natapos ang kaso at tahimik na ang lahat ay saka naman ito muling umingay nang i-upload ang teaser ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma” na pinamahalaan ni Darryl Yap.

May mga nagsasabi na demolition job umano ang pelikula ni Darryl dahil malakas ang anak ni Bossing (Vic) na si Vico Sotto sa kanyang ikatlong termino bilang mayor ng Pasig. Muli ring tatakbo sa pagka-senador ang dating Senate President at nakatatandang kapatid ni Vic at isa sa bumubuo ng TVJ na si Tito Sotto. Reelectionist din sa pagka-vice mayor ng Quezon City ang kaisa-isang anak na lalake ni Tito Sen na si Gian Sotto.

Samantala, hindi naman pinalagpas ni Vic ang mapanirang puring teaser ng pelikulang dinirek ni Darryl Yap at naghain ito ng reklamo laban sa director sa Muntinlupa City Regional Trial Court kasama ang kanyang legal counsel at misis na si Pauleen Luna kahapon ng umaga, January 9.

Still on the movie “The Rapists of Pepsi Paloma,” tiyak na dadaan ito sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kung saan ang panganay na anak ni former Senate President Tito Sotto na si Lala Sotto-Antonio ang chairperson. Ang nasabing pelikula which was produced by VinCentiments (na pag-aari mismo ni Direk Darryl Yap) ay nakatakdang ipalabas sa susunod na buwan.

Princess sanay na sa London

SA mga anak ng world boxing hero at dating senador na si Manny Pacquiao at misis nitong si Jinkee Pacquiao, tanging si Princess (Mary Divine Grace) lamang ang nagkaroon ng lakas ng loob na mag-aral (ng college) sa ibang bansa, particularly in England.

Hindi ikinakaila ng pangatlong anak at panganay sa dalawang babae na si Princess na sa umpisa ng kanyang journey bilang estudyante sa England ay nahirapan umano siya dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na she’s on her own, wala ang kanyang parents at mga kapatid at wala rin siyang nanny. She has to do everything dahil wala siyang ibang aasahan kundi ang kanyang sarili lamang. Natuto rin umano siyang sumakay ng tube and train on her way to school at sa ibang lugar na kailangan niyang puntahan.

Sa simula ay sobra umano siyang nangulila sa kanyang pamilya and there were even times na madalas siyang umiyak mag-isa sa kanyang kuwarto pero sa kalaunan ay nasanay na rin umano siya at nakapag-adjust na umano siya sa buhay niya sa London independently. Ang maganda pa, meron na siyang bagong set of new friends.

Princess is taking up Biomedical Science or `Biomed” at the University of London, her preparatory degree to medicine.

Proud siyempre kay Princess ang kanyang parents na sina former Sen. Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao.

Bukod kay Princess, ang apat pa niyang mga kapatid ay sina Jimuel, Michael, Queenie at Israel.

David di nakaligtas kay Vice

HINDI nakaligtas ang Kapuso actor na si David Licauco sa kanyang guesting on “It’s Showtime” recently sa hirit sa kanya ni Vice Ganda kung ito’y single ngayon at kung puwede itong ma-inlab sa kanyang leading-lady (referring to Barbie Forteza) na kamakailan lamang nag-share sa kanyang Instagram account na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend of 7 years, ang Kapuso actor na si Jak Roberto).

Hiwalay na umano si David sa kanyang non-showbiz girlfriend at halos magkasunod lamang sa break-up nina Barbie at Jak.

Dahil ang GMA ang nagi-air ng “It’s Showtime” ng ABS-CBN, malayang nakakapag-guest sa programa ang mga Kapuso talents.

Ang “It’s Showtime” ang programang pumalit sa “Eat Bulaga” nang ito’y lumipat sa TV5 na naging tahanan din for one year ng “It’s Showtime” at nag-swap lamang sila ng “Eat Bulaga” na napapanood ngayon sa Kapatid network.

Megan at Mikael kumpleto na

IT was in January 2020 nang magpakasal twice ang celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young – una nung January 10, 2020 sa Calaruega Chuch in Nasugbu, Batangas with only 10 attendees na sinundan nung January 25, 2020 sa San Roque Chapel in Subic, Zambales kung saan karamihan ng kanilang mga guests ay present.

It was in December 2024 when it was revealed na baby boy ang magiging first baby ng mag-asawa after four years of waiting.

Tiyak na makukumpleto ang kaligayahan ng mag-asawa this year dahil meron na silang magiging bagong karagdagan sa kanilang pamilya, ang kanilang first baby.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “Inside SHOWBIZ, atbp. wth Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.