Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Dimacuha

Fluvial procession ng Sto. Niño ginanap sa Calumpang River

12 Views

BATANGAS CITY–Hindi nagpahuli ang mga Batangueno pagdating sa debosyon sa Mahal na Sto. Nino ng Batangan ng magkaroon ng fluvial procession noong Enero 7 sa Calumpang river.

Taun-taon idinaraos ang procession tuwing simula ng nobena ng kanyang kapistahan sa Enero 16.

Hindi lang pasasalamat ng mga mamamayan sa mga biyayang natatanggap ang procession kungdi para sa patuloy na paggabay ng Mahal na Poon laban sa mga sakuna.

Nilahukan ng mahigit sa 20 bangka sa Brgy. Sta. Clara patungong Calumpang river ang event.

Isinakay sa pagoda ang Sto. Nino kasama sina Mayor Beverley Dimacuha, Congressman Marvey Marino, Vice Mayor Alyssa Cruz, Team EBD, City Administrator Engr. Sonny Godoy, mga department heads at mga kaparian ng Immaculate Conception church.

Isinagawa ang pagdadasal habang binabagtas ang Brgy. Cuta, Wawa at Malitam.

Matiyagang naghintay ang mga deboto sa tulay ng Calumpang upang masilayan ang Sto. Niño.

Ayon sa alamat, maraming kahilingan ang natupad dahil sa Sto. Niño at ang pananalig dito ang naging malaking bahagi ng tagumpay ng mga deboto.

Pagkatapos ng fluvial procession, hinandugan ng Subli ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan ang Sto. Nino bago isagawa ang prusisyon sa kabayanan.

Mayroong iba’t-ibang imahen ng Sto. Niño sa labas ng mga bahay habang dumadaan ang prusisyon.

Pagdating ng simbahan, sinalubong ang prusisyon ng fireworks display.