Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
BI Photo: Bureau of Immigration

Babaeng galing Sierra Leone na may P24M na cocaine laglag sa BI agents

Jun I Legaspi Jan 10, 2025
13 Views

NAHARANG ng Anti-Terrorist Group (ATG) ng Bureau of Immigration (BI) noong Huwebes ang isang Pilipina na may dalang mahigit 4 kilos ng cocaine na nagkakahalaga ng P24 milyon galing sa Sierra Leone.

Iniulat ni BI-ATG head Bienvenido Castillo III ang pagkaka-intercept kay Joy Dagonano Gulmatico, 29, galing sa Ethiopian Air sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon kay Castillo, minonitor nila ang pinaghihinalaang flight pattern ng subject kaya’t agad nilang inirekomenda na ito’y inspeksyunin ng mga miyembro ng NAIA Drug Interdiction Task Group (DITG).

Ininspeksyon ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang bagahe ni Gulmatico at natagpuan ang mga pinaghihinalaang substansya na itinago sa lining ng 4 na handbag at 1 maleta.

Tumulong sa inspeksyon ang mga miyembro ng NAIA-DITG, kabilang ang mga tauhan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group, Airport Police Department, PNP Drug Enforcement Group at National Bureau of Investigation.

Kinumpirma sa pagsusuri ng mga tauhan ng BOC na ang mala-powder na substance positibong cocaine na may kabuuang bigat na 4.574 kilo at tinatayang may halagang higit sa P24 milyon.

Ang suspek ay isinailalim sa inquest proceedings.

Nahaharap si Gulmatico sa mga kaso ng drug trafficking, na paglabag sa mga batas ng Pilipinas.