Calendar
Paglagda ni PBBM sa IRR ng Magna Carta of Filipino Seafarers, ikinagalak
IKINAGALAK ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang opisyal na paglagda ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa Implememting Rules and Regulations (IRR) ng inakda nitong Magna Carta of Filipino Seafarers na ginanap sa Malakanyang.
Nabatid kay Magsino na ang makasaysayang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang ay dinaluhan din ng mga matataas na opisyal mula sa Department Migrant Workers (DMW) at Maritime Industry Authority (MARINA).
Ayon kay Magsino, ang pagsasabatas ng Magna Carta of Filipino Seafarers ay pagpapatunay sa commitment ng pamahalaan na mapangalagaan ang libo-libong mga seafarers o mga tripulante na naglalayag sa karagatan kabilang na dito ang kanilang ambag sa global maritime industry.
“This law represents the goverment’s commitment to protecting the rights of Filipino seafarers and ensuring their contributions to the global maritime industry are recognized and safeguarded. It seeks to enhance tje protection and opportunities for Filipino seafarers,” sabi nito.
Ipinaliwanag pa ng kongresista na layunin din ng naturang batas na resolbahin ang mga matagal ng usapin na kinakaharap ng mga Filipino Seafarers kabilang dito ang contract violations, unsafe working conditions at limited access to legal remedies.
“The Magna Carta of Filipino Seafafers aims to resolve long-standing issues faced by maritime workers. Such as contract violations, unsafe working conditions and limited access to legal remedies. With the IRR finalized, the law’s provisions are set for full implementation,” dagdag pa ni Magsino.