Madrona

Kudeta di solusyon sa problema ng bayan -Madrona

Mar Rodriguez Jan 15, 2025
13 Views

SINUSUPORTAHAN ng vice-chairman ng House Committee on Transportation na si Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang naging panawagan ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko na huwag magpadala sa pambubuyo ng ilang grupo kaugnay sa di-umano’y paglulunsad ng military junta upang resolbabin ang samu’t-saring problema ng bansa.

Dahil dito, pagdidiin ni Madrona na hindi solusyon ang pagkakaraon o paglulunsad ng military junta para matugunan o masolusyunan ang mga pangunahing problema na kasalukuyang kinaharap ng bansa kabilang na dito ang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ang reaction ni Madrona ay alinsunod sa naging pahayag ni AFP Chief of Staff Gen. Romero Brawner na marami umano silang naririnig na reklamo patungkol umano sa mga problema ng bansa kung saan mayroong mga grupo ang nakakaisip ng paglulunsad ng military junta bilang solusyon sa mga naturang problema.

“Naririnig naman po natin na maraming mga complaint. Maraming problema amg ating bayan, ang iba po ang iniisip nilang solusyon ay magkaroon ng military junta o kudeta, ” sabi ni Gen. Brawner.

Sang-ayon din si Madrona sa ibinigay na pahayag ng nasabing AFP Chief na ang proseso ng eleksiyon ang mabisang paraan na dapat gamitin ng publiko kung nais nilang magkaroon ng reporma sa bansa sa pamamagitan ng paglalagak ng kanilang boto para sa mga karapat dapat na opisyal ng pamahalaan.

Pagdidiin ng kongresista na sa halip na maglunsad ng isang marahas na pamamaraan. Ang pagboto sa papalapit na 2025 mid-term elections ang pinakamabisa at mapayapang proseso upang matugunan at resolbahin ang mga problema ng bansa.