BBM3 Ayon kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang pagpapatayo ng VIP ay pagkilala sa kahalagahan na maihanda ang bansa sa posibleng panibagong global pandemic.

Pagtatayo ng Viroloy, Vaccine Institute aprub kay PBBM

Chona Yu Jan 15, 2025
12 Views

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang konstruksyon ng gusali ng Viroloogy at Vaccine Institute of the Philippines (VIP).

Ayon kay Pangulong Marcos, pagkilala ito sa kahalagahan na maihanda ang bansa sa posibleng panibagong global pandemic.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa isang pulong sa Palasyo ng Malakanyang kasama ang Department of Science and Technology kung saan tinalakay ang 2025 budget ng ahensiya.

Sa nasabing pulong ay humiling ang DOST ng pondo para sa proyekto para maiwasan ang pagkaantala sa structural deterioration ng VIP administration building.

Wala kasi aniyang inilaan na budget ang Department of Public Works and Highways para sa pagtatayo ng VIP.

Nangako naman si Pangulong Marcos na maghahanap ng paraan ang pamahalaan para makakuha ng pondo.

Tiniyak naman ni Department of Science and Technology Secrrtary Renato Solidum na hindi lamang tututok o limitado ang itatayong VIP sa human health concerns kundi tutugon din ito sa mga virus na nakaapekto sa kalusugan ng mga hayop at halaman.

Nasa P680 milyon ang hirit na pondo ni Solidum sa Pangulo para maisulong ang proyekto kabilang na ang para sa development ng mga bakuna para sa mga tao, halaman at hayop.

Marami na aniyang balikbayan scientists ang gustong tumulong ngayon sa ahensiya para sa paglikha ng bakuna at pasilidad na lamang ang kulang.