Calendar
Japan palalakasin ugnayan sa Pinas
PATITIBAYIN pa ni Japanese Foreign Minister Iwaya Takeshi ang ugnayan sa Pilipinas.
Sa courtesy call ni Iwaya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. sa Malakanyang, sinabi nitong partikular na tutukan ng dalawang bansa ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa lalo na sa usapin ng seguridad at mga global na isyu.
Nagpasalamat din si Iwaya dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya at pagbati kay Prime Minister Ishiba Shigeru ng gobyerno ng Pilipinas.
Ibinida rin ni Iwaya na ang Japan at Pilipinas ay may mga pangunahing halaga at prinsipyo na magkapareho, lalo na sa mga panahong may mga pagkakahati at kumplikasyon sa international community.
Binanggit niya na mahalaga ang pagpapalakas ng kooperasyon ng dalawang bansa upang itaguyod ang isang malaya at batay sa mga patakaran na rehiyon sa Indo-Pacific.
Tinanggap naman ni Pangulong Marcos ang pagbisita ni Iwaya, na naganap matapos ang kanyang kamakailang trilateral na pag-uusap sa telepono kasama si Punong Ministro Ishiba at Pangulong Joe Biden ng US noong Lunes.
“I think that it is good that we continue these discussions and also I hope that we would be able to have a chance for the Philippines to explain and to show what has been done in terms of agreement since the signing of the tripartite agreement,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Binanggit din ng Pangulo ang patuloy na pagsuporta ng Pilipinas sa pagpapalakas ng ugnayang pang-ekonomiya sa Japan upang mapalago ang kapwa kasaganaan.