Laurel

Murder suspek laglag sa mga parak

13 Views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Isang suspek sa kasong pagpatay ang naaresto noong Huwebes ng mga pulis-Laurel sa Brgy. Poblacion 5, Laurel, Batangas.

Galing ang warrant of arrest kay Presiding Judge Nevic Adolfo ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 83, ng Tanauan City, Batangas na basehan ng pag-aresto kay alyas Maximino, 44.

Isinagawa ang pag-aresto ng may transparency at pananagutan sa pamamagitan ng paggamit ng mga body-worn camera (BWCs) sa buong proseso.

Nakaditine na ang akusado sa custodial facility ng Laurel police habang naghihintay ng schedule ng paglilitis.