OFW1 Sourcd: PCADG FB file post

OFW nakaranas ng pang-aabuso sa Saudi, pamilya humihingi ng tulong sa DMW, DFA

Mar Rodriguez Jan 19, 2025
18 Views

NANANAWAGAN sa pamunuan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) ang pamilya ng Overseas Filipino Worker (OFW) sa Saudi Arabia na nakaranas unano ng paulit-ulit na “sexual abuse” at karumal-dumal na pagmamaltrato, pang-aabuso at hindi makataong pagtrato sa kaniya ng mga amo nitong Arabo.

Dumulog sa People’s Taliba ang mga kaanak ng OFW na kasalukuyang nagta-trabaho sa Saudi Arabia bilang isang Household Service Worker.

Ayon sa mga kamag-anak, ang OFW ay paulit-ulit nakakaranas ng panghahalay at hindi makataong kondisyon sa nasabing bansa.

Dahil dito, hinihiling ng mga kaanak sa DMW at DFA na agad kumilos at aksiyunan ang kasalukuyang kalagayan ng nasabing OFW.

Bukod sa sexual na pang-aabuso ay hindi rin pinapakain ng maayos ang OFW ng kaniyang mga Arab employer.

Ayon sa impormasyong nakalap ng Taliba, ang OFW ay sexual na inabuso ng kaniyang dalawang among Arabo.

Subalit sinabi ng pamilya na sa halip na pauuwiin ang OFW pabalik ng Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation, ay inilipat lamang ito umano ng kaniyang ahensiya sa isa pang among Arabo kung saan nakaranas ulit siya ng panghahalay.

Nabatid sa pamilya na kasalukuyang nasa kustodiya ng kaniyang foreign recruitment agency ang OFW subalit tatlong linggo na nilang hindi nila makontak at makausap ito.

“This is not an isolated incident. It is a glaring indictment of the systematic failure that continues to endanger the live of Filipino workers abroad. Nananawagan po kami ng agarang aksiyon mula sa DMW at DFA para agad na maibalik sa Pilipinas at mabigyan ng katarungan ang kaniyang sinapit,” ang apela ng pamilya ng OFW.