Van Kapwa wasak ang motorsiklo at unahan ng Nissan Urvan matapos ang malagim na aksidente.

2 patay, 8 sugatan sa salpukan ng van, motor

Gil Aman Jan 20, 2025
17 Views

MotorTODAS ang dalawang driver at walo ang sugatang pasahero sa banggaan ng motorsiklo at Nissan Urvan sa Del Pilar St., Brgy. 2, Alaminos, Laguna noong Lunes.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Edward Ruelo, ang rider ng motorsiklo, at Rollie San Antonio Collantes, driver ng Nissan Urvan.

Naganap ang banggaan dakong alas-12:20 ng madaling araw, ayon kay P/Maj. Abelardo Jarabejo. Wasak ang van sasakyan na bumangga sa concrete barrier habang tumilapon naman ang motorsiklo.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Ailyn Borbe, 20; SK Councilor Rommel Carullo, 21; SK Councilor Joseph Beren, 24; SK Treasurer
John Philip Borais, 25; SK Chairman Aira Mae Cena, 20; SK Councilor Aristedes Sajuela, 31; SK Secretary Dariel John Bos Almonte, 25; SK Chairman Joven Borbe, 21.

Dahil sa blind curve kung saan nag take over ang motorsiklo na nagresulta sa head-on collision hanggang sa bumangga sa sementadong barrier.