Calendar
Pagsisikap ng DOTr na maisa-ayos, maitaguyod mga lansangan pinuri
BILANG vice-chairman ng House Committee on Transportation. Pinapurihan ni Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang patuloy na pagsisikap ng Department of Transportation (DOTr) na maisa-ayos at maitaguyod ang mga proyektong magpapa-unlad ng mga lansangan sa buong bansa.
Ayon kay Madrona, chairman din ng House Committee on Tourism. Isang malaking tulong at kaginhawahan para sa mga mamamayan ang mga isinusulong at ipinatutupad na proyekto ng DOTr sapagkat maisasa-ayos ang mga lansangan at iba pang proyektong imprastraktura na ginagamit ng publiko sa kanilang pang-araw araw na pagbibiyahe.
Ipinaliwanag ni Madrona na ang pagkakaroon ng mga dispalinghado o sirang kalsada, tulay at iba pang kahalintulad nitong imprastraktura ay nakaka-apekto sa kabuhayan ng mga Pilipino partikular na para sa mga nagne-negosyo at nagluluwas ng kanilang mga kalakal.
Bukod dito, sinabi pa ng kongresista na ang pagkakaroon ng maayos na kalsada o imprastraktura ay naglalarawan din ng pag-unlad ng isang bansa katulad ng Japan, China, Korea at iba pang mga mauunlad na bansa na nagtataglay ng mga modernong imprastraktura.
Nauna rito, patuloy ang DOTr sa pagsisikap na itaguyod ang sektor ng kalsada at itaguyod ang mga mga pandaigdigang pamantayan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga prinsipyo ng sustainability, inclusivity at accessibility