Senado

‘Walang anomalya  sa 2025 nat’l budget’

14 Views

MARIING pinabulaanan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang mga paratang ng anomalya sa 2025 national budget, partikular ang mga alegasyon ng pagkakaroon ng “blank items” sa bicameral conference committee report. Binigyang-diin ni Escudero ang pagkakaiba ng bicameral report at ng General Appropriations Act (GAA), ang pinal at legal na dokumento.

“No bicameral conference committee report has yet been declared unconstitutional; no committee report has yet been declared unconstitutional. In fact, no one has yet been sued in court to declare a committee report or bicameral conference committee report unconstitutional,” pahayag ni Escudero sa isang media briefing. Idinagdag niya, “It is only a law that can be questioned as unconstitutional.”SP

Sinagot din ni Escudero ang mga isyung inilabas nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City 3rd District Representative Isidro Ungab, na nagsabing may mga blanko sa bicameral report at nanawagan ng accountability.

Pinabulaanan ni Senator Sherwin Gatchalian, miyembro ng bicameral committee, ang mga alegasyon, na sinabing masusing ininspeksyon ang bawat detalye bago matapos ang report. ”

Sa akin and my team, wala kami nakitang blanco kasi dapat balanse. Yan ang tinitingnan namin parati,” ani Gatchalian, na idinagdag pang may dedikadong team na nagrepaso sa bawat linya ng budget bago siya pumirma.

Sinang-ayunan ito ni Senator Joel Villanueva, na nagsabing, “Wala akong nakita.”

Lahat nire-review nang mabuti bago ito pinirmahan.” Binigyang-diin din ni Villanueva ang kahalagahan ng pagbuwag sa mga lump sums para sa mas malinaw na transparency sa alokasyon ng budget.

Tinawag din ni Senator Risa Hontiveros na walang batayan ang mga alegasyon.

“Taon-taonan naming tinatapos ang trabaho para magpasa ng budget. Kaya hindi ako naniniwala sa sinasabing ito.”

Tinawag rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang basehan ang mga ito. “Hanapin n’yo yung sinasabi nila na blank check. Tingnan ninyo kung meron kahit isa para mapatunayan na tama ang sinasabi ko,” pahayag ni Marcos bilang depensa sa 2025 GAA.

Ayon sa mga ulat, tinanggihan din ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga alegasyon, na tinawag itong “outrightly malicious” at “fake news.”

Tiniyak niya sa publiko na masusing sinuri ang GAA at wala itong mga blankong item.

Kinumpirma ng DBM na kumpleto ang pinal na GAA at walang blank appropriations, upang sagutin ang mga pangamba ng publiko sa mga alegasyon.

Ang mga pahayag ni Escudero at ang tugon ng mga pangunahing senador ay nagpapakita ng tiwala sa proseso ng lehislatura at sa integridad ng 2025 budget. Habang patuloy na lumalabas ang mga politikal na batikos, lalo na bago ang eleksyon, nananatiling matibay sina Escudero at ang kanyang mga kasamahan na ang proseso ng budget ay sumusunod sa legal at maayos na mga pamantayan, na tumitiyak ng transparency at pananagutan sa pamahalaan.