Speaker Romualdez STAKEHOLDER DIALOGUE SA DAVOS – Inihayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez (ika-2 mula kanan) ang matatag na paninindigan ng Pilipinas na ipagtanggol ang soberanya nito, sa ginanap na “Navigating Asia’s Hotspots” Stakeholder Dialogue sa World Economic Forum 2025 sa Davos, Switzerland noong Miyerkules. Ang mga panelist ay sina (mula sa kaliwa) Tulsi Naidu, CEO ng Asia-Pacific, Zurich Insurance Group; Indonesia Foreign Minister Sugiono; Ellana Lee, CNN International Senior Vice-President; Timor-Leste President José Ramos-Horta; at Michael Froman, President ng Council on Foreign Relations.

Speaker Romualdez iginiit sa WEF 2025 matatag na paninindigan ng PH na ipagtanggol ang soberanya

18 Views

IGINIIT ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez muli noong Miyerkules (oras sa Switzerland) ang matatag na paninindigan ng Pilipinas sa pagpapanatili ng integridad ng teritoryo nito, kasabay ng kanyang pagpapahayag ng buong suporta sa mga polisiya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapangalagaan ang soberanya ng bansa.

“President Ferdinand Marcos, Jr. has been very, very firm on his policy that we should not give an inch of any Philippine territory,” sabi ni Speaker Romualdez, na isang panelist sa Stakeholder Dialogue na may paksang “Navigating Asia’s Hotspots” sa World Economic Forum (WEF) 2025 sa Davos, Switzerland.

“Having that been said, we celebrate, of course, our rules-based global order, and with the UNCLOS and the 2016 arbitral award recognizing the sovereignty of the Philippines, we stand steadfast with the President’s policy in enforcing that,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.

Bukod kay Speaker Romualdez, kabilang din sa mga panelist sina Timor-Leste President Jose Ramos Horta; Foreign Minister Sugiono ng Indonesia; Michael Froman, President ng Council on Foreign Relations; at Tulsi Naidu, Chief Executive Officer ng Asia-Pacific, Zurich Insurance Group.

Gayunpaman, binigyang-diin ni Speaker Romualdez na ang Pilipinas, sa ilalim ni Pangulong Marcos Jr., ay nagpatupad ng isang makatarungan at balanseng pamamaraan sa pagharap sa tumitinding geopolitical competition sa pagitan ng Estados Unidos at China, partikular sa isyu ng South China Sea.

Pagbalanse sa geopolitical interests

Sa kanyang pagharap sa Stakeholder Dialogue, iginiit ni Speaker Romualdez ang mahalagang posisyon ng Pilipinas bilang kaalyado ng Estados Unidos at isang pangunahing kasosyo sa kalakalan ng China. Isinusulong niyang gamitin ang parehong ugnayang ito upang mapabuti ang mga pambansang interes ng bansa.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang alitan sa teritoryo sa South China Sea ay hindi tumutukoy sa kabuuan ng relasyon ng Pilipinas sa China.

“Despite the President being very firm on this policy of not giving up a single inch, we are working daily to de-escalate tensions. We do not want the South China Sea dispute to overshadow the many other facets of our relationship with China, including trade, education, and cultural exchanges,” paliwanag pa ni Romualdez.

“We are not taking sides. The United States is our long-standing ally, and China is our largest trading partner. The Philippines is navigating a middle path where we maximize opportunities from both relationships while actively participating in the broader global community,” dagdag pa nito.

Sa usapin ng pakikipag-ugnayan sa Estados Unidos, pinuri ni Speaker Romualdez ang mga naging pahayag ng bagong US Secretary of State na si Marco Rubio hinggil sa Mutual Defense Treaty at Enhanced Defense Cooperation Agreement, na nakaayon sa mga estratehikong layunin ng Pilipinas.

Ayon sa mga ulat, nagkausap na sina Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo at Rubio. Sa pag-uusap ay binigyang-diin ni Rubio na hindi natitinag ang pangako ng Estados Unidos sa Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty.

“Our enduring alliance with the United States strengthens our ability to safeguard sovereignty and pursue peace. At the same time, we remain proactive in fostering relationships with all nations to promote global collaboration,” saad pa nito.

Pagsulong ng ekonomiya at pandaigdigang pakikilahok

Ipinunto ni Speaker Romualdez ang mga benepisyong pang-ekonomiya ng praktikal na patakarang panlabas ng Pilipinas, na aniya’y nakakaakit sa mga mamumuhunan dahil sa matatag na paglago ng gross domestic product (GDP), masiglang manggagawa at estratehikong lokasyon nito sa loob ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

“We are here at the WEF to tell the Philippine story—of a nation full of potential and resilience. As part of ASEAN, we are at the heart of a dynamic growth region, and we are working to build stronger partnerships to unlock opportunities for trade and investment,” ayon pa sa kongresista.

Bilang halimbawa, binanggit ni Speaker Romualdez ang naging pakikipag-ugnayan nito sa mga industrial leader mula sa India at binigyang-diin na ang Indo-Pacific region, kasama ang Pilipinas, ay nagiging isang pandaigdigang lugar ng kalakalan.

Pagtataguyod ng kapayapaan at kooperasyon

Iginiit din ni Speaker Romualdez ang papel ng Pilipinas sa pagsusulong ng katatagan sa rehiyon at pinagtibay ang dedikasyon ng bansa sa ASEAN centrality at multilateralism.

“ASEAN continues to play a vital role in ensuring regional peace and stability. The Philippines remains committed to this multilateral framework, which has proven effective in addressing challenges while promoting cooperation,” wika nito.

Muling tiniyak ng pinuno ng Kamara de Representantes ang pangako ng Pilipinas sa isang balanse at praktikal na patakarang panlabas, na nakabase sa pagpapaigting ng soberanya, pagsusulong ng pag-unlad ng ekonomiya, at paghahangad ng mapayapang pakikipagtulungan sa internasyonal na antas.

“Our future lies in de-escalating tensions, building meaningful partnerships, and safeguarding our principles. The Philippines is prepared to navigate the complexities of geopolitics, ensuring that our people benefit from peace, prosperity, and stability,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.