Japanese

Dayuhang sangkot sa kotong, e-fraud arestado sa San Pablo

Gil Aman Jan 28, 2025
30 Views

ARESTADO ang isang 44-anyos na Japanese national na umano’y miyembro ng Luffy Group, isang sindikato na sangkot sa extortion o extortion, telecom at electronic fraud, ng mga miyembro ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit at San Pablo City Police sa Savanna Village, Brgy. Soledad, San Pablo City noong Lunes.

Ayon sa report, undesirable alien na nagtago sa Savanna Village si alyas Sasaki. Inaresto siya alas-6:00 ng gabi base sa warrant of deportation.

Ang warrant of arrest na ipinalabas laban sa suspek ng Tokyo Summary Court noong dahil sa violation sa Article 235 o pagnanakaw.

Ayon sa records, kasabwat din ang suspek sa pagnanakaw ng mga automated teller machine (ATM) cards at nagpapakilalang law enforcer sa Japan at Local Finance Bureau employee.

Nakipagugnayan ang Immigration-Fugitive Search Unit sa PNP-IG at San Pablo Police upang naaresto ang suspek na banta sa seguridad sa mga tao.