Solomon

RIT bumira sa NE; negosyante tigok

Steve A. Gosuico Jan 28, 2025
156 Views

SAN ANTONIO, Nueva Ecija–Patay noong Miyerkules sa riding-in-tandem (RIT) ang isang negosyante sa bayang ito na miyembro din ng Agila ng San Antonio Patriots Eagles Club (ASAPEC).

Ayon kay Major Ricardo Salomon Jr., hepe ng pulisya, nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Resty Flores Esteban, 39.

Nabaril at napatay ang biktima dakong alas-9:30 ng gabi habang nasa loob ng kanyang sari-store.

Inilarawan ang mga suspek na naka-pulang Honda Click at naka itim na jacket at helmet.

Isinugod ang biktima sa Cabiao General Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival ng attending physician na Dr. Marion Lei Maruyot.

Tinitingnan bilang motibo ng pagpatay ang pagpapautang ng biktima.

“Ipino-post niya daw kasi sa social media ang mga pautang niya kaya isa ‘yun sa tinitingnan naming anggulo,” sinabi ni Salomon sa Journal Group.