Vic

Vic, Pauleen stronger than ever sa 9th wedding anniversary

Vinia Vivar Feb 1, 2025
17 Views

Time out muna si Vic Sotto sa trabaho at sa kasong kinakaharap dahil nasa Japan siya kasama ang misis na si Pauleen Luna at dalawa nilang anak na sina Tali at Thia.

Nagtungo ang mag-anak sa Japan kasama ang iba pang relatives para sa selebrasyon ng 9th wedding anniversary nina Bossing at Pauleen.

Sa Instagram posts ni Poleng ay ibinahagi niya ang ilang clips and photos ng bakasyon nila kasabay ang anniversary greeting sa mister.

“Stronger than ever. Happy 9th wedding anniversary my love!” ang pagbati ni Pauleen kay Vic.

Makikita naman sa video na enjoy na enjoy ang dalawang bata sa paglalaro sa snow dahil winter season ngayon sa Japan.

“What a way to celebrate our anniversary. Thank you dear Lord for 9 blissful years with my dear husband! Grateful for all the blessings and the learnings you’ve given us,” ani Pauleen.

KINILALA

Espesyal para kay Jessica Soho ang tinanggap na Outstanding Filipino-Chinese in Journalism award mula sa Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) dahil ito ang kauna-unahan niyang award mula sa Fil-Chinese community.

Ginanap ang awarding ng FFCCCII kasabay ng Chinese New Year dinner celebration noong Jan. 29 sa Golden Bay Seafood Restaurant.

“This award is special because I’m getting it on my 40th year as a journalist, and because it’s my very first from the Filipino-Chinese or the Tsinoy community,” pahayag ng award-winning broadcast-journalist sa kanyang acceptance speech.

“Akala ko ho, hindi na kami maa-acknowledge,” biro pa niya.

May dugong Chinese si Jessica dahil sa kanyang lolo.

Bukod kay Jessica ay pinarangalan din sina dating First Lady Imelda Marcos, na tinanggap ng kanyang anak na si Sen. Imee Marcos, National Artist Ricky Lee, industrial designer Kenneth Cobonpue at OPM icon na si Jose Mari Chan na hindi nakadalo.

The event celebrated the Lunar New Year’s cultural significance and recognized distinguished Filipinos for their exceptional contributions to Philippine society.