Liza1 Nag-inspeksyon si First Lady Liza Marcosvsa Coconut Palace at Philippine International Convention Center sa Pasay City na gagamiting venue sa ASEAN Summit sa taong 2026.

Venue para sa ASEAN 2026 personal na sinuri ni FL Liza Marcos

Chona Yu Feb 6, 2025
9 Views

PERSONAL na ininspeksyon ni First Lady Liza Araneta Marcos ang dalawang iconic landmarks sa Metro Manila na gagamiting venue para sa Association of Southeast Asian Nations Summit sa susunod na taon.

Sa Instagram post, binisita ni First Lady Marcos ang Coconut Palace at Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Ang Pilipinas ang host ng ASEAN sa susunod na taon.

Ayon kay First Lady Marcos, pangarap ng kanyang biyenan na si dating First Lady Imelda Marcos na maitampok ang PICC at Coconut Palace sa pandaigdigang entablado.

“These iconic landmarks were envisioned by former First Lady Imelda Marcos to showcase Filipino artistry on the world stage,” pahayag ni First Lady Marcos.

Ngayon aniya, pagkatapos ng limang dekada ay muli ngang bibida ang makasaysayang mga pasilidad na ito para tanggapin ang mga lider ng ASEAN at kanilang Dialogue Partners sa susunod na taon.

“Now, nearly five decades later, these historic venues will once again take center stage as we welcome leaders of 𝗔𝗦𝗘𝗔𝗡 & its Dialogue Partners next year,” pahayag ni First Lady Marcos.

Una nang binanggit ng Malakanyang at ng Department of Foreign Affairs na puspusan na ang paghahanda ng pamahalaan para sa hosting ng Pilipinas ng 2026 ASEAN.

Nasa P5.2 bilyon ang idinagdag na pondo sa Office of the President ngayong taon para gamitin sa paghahanda sa ASEAN hosting.

Sa susunod na taon, nasa P22 bilyon ang ilalaan na pondo para sa ASEAN Summit.