Calendar
Talavera magkakaroon ng higanteng cold storage
TALAVERA, Nueva Ecija–Magsisimula na ang construction ng mahigit na P200 milyong 120,000-bag capacity na bagong onion cold storage sa Brgy. Bantug Hacienda sa bayang ito.
Magagawa ang proyekto matapos ang 30 taon at matutuloy sa tulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Si Mayor Nerito “JR” Santos Jr., Vice Mayor Nerivi Santos-Martinez at mga matataas na opisyal ang dumalo sa groundbreaking ng project noong Lunes.
“Simula ng 1995 pa pinangarap na ito ng aming mga tatay na magkaroon ng sariling onion cold storage ang bayan ng Talavera at sa wakas ngayong araw na ito groundbreaking na kaya natupad na ang ating matagal nang pangarap para sa ating bayan,” pahayag ni Mayor Santos.
Ang pondo para sa pagtatayo ng bagong storage, na nagkakahalaga ng P255.5-million, magmumula sa Philippine Rural Development Program Scale-Up ng Department of Agriculture sa ilalim ng percentage cost-sharing scheme na 80 porsyento para sa World Bank at 10 porsyento bawat isa para sa government of the Philippines at sa local government unit.
Dumalo din sa kaganapan sina Department of Agriculture Assistant Secretary Daniel Alfonso N. Atayde, Ella Cruz, na kinatawan ni Sen. Imee Marcos, at DA Regional Executive Director Dr. Eduardo Lapuz Jr..
“Napakahalaga po ng pasilidad na ito dahil kasi intended ito para sa ating small onion farmers kasi dun sa mga private cold storage plants wala silang pang-advance ng storage fee,” dagdag ng bise alkalde.
Nagpasalamat ang magkapatid na opisyal kay Pangulong Marcos Jr. sa pagbibigay ng karagdagang pondo para sa proyekto.